Saturday, November 12, 2011

MGA BAGONG MODUS NG MGA TEACHERS:









1. FILM SHOWINGS :
Magdownload si teacher videos sa youtube at ipapalabas sa auditorium at maniningil ng bente.

Yung iba para di halata, may organisasyon kunwari na magyaya sa school para sa isang 'educational' film showing SM!

Mas malaki kita dun kasi P150 to P400 ang singilan. Mas malaki kickback ni teacher!

Swerte pa kasi doble kita pag sa pre-elem ang dudugasan mo kasi pwede mo i-require mga parents or guardian ng mga students mo, DOBLE KITA!!!




2. FIELD TRIPS
Magastos nga naman mag family bonding. Kaya ang mga wais na teachers, may paraan diyan!

Magkakaroon ng field trip ang klase ni teacher.. At magugulat na lang mga students may mga tiyanak sa bus! Yun pala mga anak ni teacher, kasama buong angkan sa fieldtrip!

Pwede din kumita si teacher ng extra. Kausapin lang management ng bus na kukunin ulit serbisyo nila sa susunod na taon kapalit ang 'financial donation' sa bulsa ni teacher!



3. PROJECTS, FOLDERS AND PAPERS


Sa kagustuhang kumita ni teacher, kahit pagbebenta papasukin!

Magpapaproject si teacher at iipunin ang lahat ng sliding folders at ibebenta sa pinakamalapit na suking tindahan...

Ang mga lamang papel ng folder ay itatago ang magandang pagkakagawa para gawing project ng anak sa takdang panahon. Ang iba ay ibebenta ng per dangkal!

Pag hanapin ng student yung project, just in case hanapin lang, sasabihin ni teacher na tinatago para sa school evaluation. Lusot na!

No comments:

Post a Comment