Tuesday, November 22, 2011

OLD JOKE AND NEW VERSION


OLD JOKE:Tatay: Anak, pag may bagsak kang grade this sem, kalimutan mo nang tatay mo ako..
Anak: Makakaasa po kayo..

Pagkakuha ng grades ni junior...


Tatay: Anak kamusta grades mo?
Anak: Who you?






NEW VERSION:




Tatay: Anak, pag may bagsak kang grade this sem, kalimutan mo nang tatay mo ako..
Anak: Makakaasa po kayo..


Sa araw na kuhanan ng grades, di umuwi si junior...


Makalipas ang 3 araw, di pa rin umuuwi si junior...


1 buwan na ang nakaraan di pa umuuwi si junior..


3 buwan na ang nagdaan di pa umuuwi si junior kaya nanawagan na sa TV ang Tatay..


"Anak, masyado mo naman dinibdib ang sinabi ko noon bago kuhanan ng grades. Alam mo naman na sa edukasyon mo lang tayo makakaahon sa kahirapan. Di ka naman gwapo at wala talent sa pagsayaw at pagkanta kaya wala ka pag-asa sa pag-aartista. Kahit pangit ka, di pa rin nakakatawa itsura mo kaya wala ka talaga future sa showbiz."


"Wala rin naman tayong dugong banyaga kaya di ka pwedemag-AZKAL. Magmumukha ka lang unggoy sa tabi ni James at Phil. Nakakahiya pag malaman nila na ako tatay mo."


"Lampa ka rin naman kaya wala rin pinatunguhan yung training natin sa pagboboksing mo. Baka bansagan ka lang na Pambansang Punching Bag..."


"Wala rin tayong kamag-anak sa gobyerno kaya wala tayong malalapitan na padrino para magpasok sa iyo sa trabaho kahit di ka nakatapos at mas marami deserving sa iyo sa pwesto."


"Sana maintindihan mo na sa diploma mo lang tayo umaasa. Gusto ko lang na matuto ka talaga at di yung pumapasok para lamang makapasa. Pumasa ka nga pero wala ka naman natutunan, di ba nakakahiya pag mag-apply ka na ng trabaho? Wag mo gayahin yung kapitbahay natin na nakatapos ng Engineering pero di naman marunong magconvert ng kilo to meters!!! Nakakahiya di ba?!!"

No comments:

Post a Comment