Monday, November 14, 2011

Latest News in the Future

Latest News in the Future #1!

Ramona Revilla lumipad ng Hongkong para i-shoot ang teleseryeng 'Patayin sa Kasinungalingan ang Kapatid Mo'!

The whole Revilla clan is proud of Ramona's big break in showbiz so everybody is busy promoting the teleserye in every news organization!





Latest News in the Future #2!


Pangulong Aquino, ibinunyag na si John Loyd Cruz ang totoong napupusuan!

Sabi ng Pangulo sa aming panayam, "Pesteng media naman kasi, puro naman babae nililink sa akin."

Humihingi din kapatawaran ang pangulo kay Shaina sa pagsira niya sa kanilang relasyon. Nagsorry din siya kay Ruffa sa pagkakadawit ng kanilang magulong lablayp.

Nung tinanong namin ang pangulo kung anong mensahe niya kay John Loyd, ang sabi ng Pangulo, "INGAT!!!"





Latest News in the Future #3!

Dating Pangulong Arroyo natigok!

Kasalukuyang nagdiriwang ang buong bansa sa pagkamatay ng holder ng Guiness World Record sa pinakamaraming ginawang pagpapalusot. 

Sa panayam namin sa nag-organize ng malaking party sa Luneta, sinabi niya na, "Sana sumunod na rin si Mike Arroyo!", sabay cheer ng mga nasa likod niya.

Amin ding kinuha ang panig ng nagdadalamhating pamilya Arroyo pero mukhang may fiesta din sa kanila.

"Para sa mga hunghang na nagsasaya sa pagkamatay ng nanay ko, mas masaya kami sa inyo kasi nagawa naming paglaruan ang batas kaya di nakulong ang nanay ko bago namatay!!!", sabi ni Mikey Arroyo habang hawak ang microphone mg videoke at bote ng Fundador fortified with Iron.

Ibuburol ang labi ng dating pangulo sa Libingan ng mga Kurakot sa lunes, madaling araw, pag tulog na mga tao para wala daw mambato habang parada ng libing..





Latest News in the Future #4!

Miss Philippines panalo sa Miss Atmosphere International.

Pinataob ng kandidata ng Pilipinas ang 187.37 na kandidata sa buong tambayan ng mga adik.

Tinanong namin si Miss Shamgay Tsuptsup kung ano sa tingin niya nagpapanalo sa kanya. Sinabi niya na yung sagot niya sa Question and Answer.

Hindi kami nanood kasi nanood kami ng Showtime kaya tinanong namin kung ano ba sagot niya sa Q&A.

Proud siyang isinigaw ang sagot niya...

"Kayong mga judge ang kakapal ng mukha niyong mag-judge sa beauty pageant na ito eh ampapangit niyo naman! Bakit may experience na ba kayo sa kagandahan?! Next time magjudge na lang kayo sa singing contest ng mga senior citizen kasi dun naman kayo nakakarelate! Dats ol teeennkyuuu! Muuaaah!"


Abangan muli sa susunod ang mga nagbabagang balita sa future!!! Wahahahaha

No comments:

Post a Comment