Showing posts with label Opinions. Show all posts
Showing posts with label Opinions. Show all posts

Monday, February 27, 2012

Death of the Highly Opinionated Scissors

Barbero: may gulo daw sa Hacienda Luisita kanina.

Gunting: pakialam ko?

Barbero: sana masubukan mong maging panabas ng tubo..

Gunting: ano konek?

Barbero: puro buhok lang kasi pinuputol mo kaya di mo alam ang hirap ng pumutol ng mga tubo..

Gunting: utak barbero ka kasi. Alam mo ba na MAS PRODUCTIVE ang Hacienda Luisita kung HINDI IPAMIMIGAY ang lupain sa mga magsasaka? Kung magsasarili bawat magsasaka, mas mahirap i-manage at di pa sigurado na magagamit ang lupa sa kapakipakinabang na paraan..kuha mo?

Barbero: maganda ang nasabi mo. Pero bakit ang mga Aquino-Cojuangco pa rin ang MAYAMAN at HIRAP pa rin ang mga MAGSASAKA? Ibig sabihin lang na HINDI NAKIKINABANG ang mga MAGSASAKA sa KITA ng mga lupain bilang Hacienda Luisita.

Gunting: baka naman nalulugi na ang hacienda?

Barbero: kung nalulugi nga, babanggain mo ba ang Supreme Court para lang mabaliktad ng desisyon nila na ipamigay ang hacienda?

Gunting: tingin mo Hacienda Luisita talaga dahilan bakit mainit tumbong ni Noynoy kay Corona?

Barbero: di ako sigurado..posibleng hindi..posibleng yun nga dahilan.

Gunting: kung ikaw si Noynoy, sino tutulungan mo? Magsasaka o mga kamag-anak mo?

Barbero: depende sa utos ng matatandang Cojuangco-Aquino.. wala naman ako alam diyan at mas lalo ako pakialam..magpa-cute na lang ako sa media para mataas ratings ko at para maging crush din ako ni Grace Lee!

Gunting: pathetic..(nagsuicide ang gunting)

Sad story.. Sa gunting ng barbero, sana masaya ka kung saan ka man naroroon.. :(

Short Talk With a Chair

Ako: (kausap ang upuan) di ka ba nagsasawa na lagi ka lang inuupuan?

Upuan: di naman. Yun naman purpose ko sa mundo. Kung dumating ang panahon na di na ako pwedeng upuan, wala na akong silbi.. Di na ako matatawag na upuan!

Ako: oo nga naman.

Upuan: ikaw ano silbi mo sa mundo? Ano ba pagkakaiba niyo sa aming non-living things? Ano din pagkakaiba ng tao sa ibang living-things buk0d sa marun0ng kayo mag-Facebook?

Ako: isang pagkakaiba, di kami naniniwala na nagsasalita ang upuan!

Hahaha..

Saturday, November 26, 2011

Philippine Politics

Philippine Politics is a real life 'command and conquer' game for the rich filipinos..gather materials, build facilities, make allies, strengthen your forces then destroy the other camp! Progress is mainly for supremacy and not a product of desire to have a community where everybody lives a meaningful and fruitful lives..

Sana mali ako..

Freedom of Expression..

Opo, may freedom of expression tayo pero di po yan absolute. Kaya nga may libel..kasi dapat may RESPETO din..

On the other hand, yung exibit sa CCP na 'bastos' diumano ay para sa mga gustong makakita ng 'art', so para sa mga 'may sense of art'..

Naging magulo at napalaki lang ang gulo dahil sa exaggeration or pagiging insensitive or irresponsibility ng media. 

Opinyon lang po...

GIYERA SA MINDANAO

wag na umasa ng kapayapaan sa mindanao.. 

sa GULO SA MINDANAO KUMIKITA ang ilang makapangyarihang POKEMON so sa tingin niyo gusto nila ng peace???

Maawa kayo sa mga Legendary Pokemons.. Mawawalan sila ng pagkakakitaan.. Suportahan natin ang gulo sa Mindanao! Nyahahaha... :p

CRAB MENTALITY


Pag isipan mo to:

Huwag mong siraan o gumawa ng paraa para bumagsak ang TUMALO SA IYO..

Dapat mo pa siya tulungan umangat at magtagumpay sa anumang gagawin niya..

Kasi kung palpak siya sa mga ginagawa niya, ano na lang iisipin ng tao sa iyo na tinalo niya?

Kung bobo siya at loser, sino mas bobo at loser? Di ba ikaw na tinalo niya?

No to CRAB MENTALITY!

Lablayf ni PNOY


Zero luvlyf daw si Noynoy..

Pano ba naman eh mga batang babae nili-link sa kanya!

Try niyo i-link yan kay Piolo Pascual or Richard Gutierez, tingnan niyo maging blooming yan bigla!

Nyahaha.. Pero sa tingin ko mas bagay ang Noynoy at Madam Auring labtim!

Ano sa palagay mo? :p

ROTC


Sira ba mp3 player mo?!

Mag apply na ROTC officer!

Pwede mo pakantahin or pasayawin mga cadet na may violation! 

Oha oha!

(sayang di ko navideo ung happening kanina)

Sana magkaroon ng written rules kung anu ang official commands na pwede ibigay ng ROTC OFFICERS at corresponding na parusa..

Yung iba trip trip nlng nila..kung anu maisip yun na ipapagawa..kaya imbes na madisiplina nagiging tarantado..

Opinyon lang..

Bakit mababa ang pasweldo sa Pilipinas?

Bakit mababa ang pasweldo sa mga ordinaryong manggagawa dito sa Pilipinas?


Isa sa napakaming rason ay MALAKI ANG POPULATION NATIN.


Kahit gaano kababa ang sweldo, maraming mag-aaply na nangangailangan ng trabaho.


Kung konti lang ang tao, tataasan ng employer ang sweldo para lang may mag-apply...

Tuesday, November 22, 2011

BAKIT NAKAKAPAGOD MAGBIYAHE???

Alam ko na kung bakit nakakapagod magbiyahe..


Kasi para ka rin sumasayaw.. Bawat liko, acceleration, at preno ng sasakyan, napapagalaw katawan mo..


Nag-eexert ka din ng effort para 'labanan' mga movements mo para mamaintain ang equilibrium ng position mo.. Example, pigilan mo katawan mo masubsob pag magreno..


So challenge sa mga engineers, magdesign ng mechanism sa upuan ng mga pasahero upang maminimize ang movement ng mga pasahero sa loob ng sasakyan habang umaandar ang sasakyan.. Ung tipong di mararamdaman ng mga pasahero na gumagalaw ang sasakyan..

Tuesday, July 10, 2007

PAGPAPAKATOTOO VS. PAGPAPAKATAO

Isa sa mga narinig ko last week na nakapagpataas ng aking kilay ay ang linyang “at least nagpakatotoo siya.”

Hindi ako nanonood ng Pinoy Big Bobo, ooops, Pinoy Big Bother pala, pero halos gabi-gabi naman ibinabalita ang walang kwentang issue tungkol kay Wendy. (hindi ako against kay wendy, against lang ako sa ginagawa ng ABS-CBN)

Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagmamalaki ng ABS-CBN ang ‘pagpapakatotoo’ diumano ni Wendy. Gusto ba nilang sabihin na tama lang ang magpakatotoo kahit na tinatawag ka na ng buong Pilipinas na demonyo?!? Gusto ba nila ipakita na kaplastikan na lang ang pagpigil at pagkontrol sa sarili?!?

Mayroong isang estudyante na kasalukuyang kumukuha ng pagsusulit. Hindi niya alam ang sagot sa ilang mga katanungan. Binuksan niya ang kanyang kwaderno habang nakatalikod ang kanayang guro dahil gusto niyang makakuha ng mataas na iskor. Base sa prinsipyo ng pagpapakatotoo, tama lang ang ginawa niya??? Kung hindi niya binuksan ang kwaderno niya, PLASTIK siya???

Mayroon ulit isang estudyante. Kapos siya sa allowance niya. Hindi siya nagbayad ng pamasahe niya dahil gusto niyang gamitin ang pera pambili ng yosi. Base sa prinsipyo ng pagpapakatotoo, tama lang ang ginawa niya??? Kung nagbayad siya ng pamasahe, PLASTIK siya???

May isang nanay na naiinggit sa kanilang kapitbahay. Masarap ang pakiramdam niya kapag sinisiraan niya ang kapitbahay. Base sa prinsipyo ng pagpapakatotoo, tama lang ang ginagawa niya??? Kung ititigil niya ang paninira, PLASTIK siya???

May isang pulitiko. Gusto niyang magpatayo ng mansiyon at bumili ng bagong modelo ng kotse. Ginamit niya ang pondo sa pagpapatayo ng paaralan sa pagtustus sa kanyang mga luho. Base sa prinsipyo ng pagpapakatotoo, tama lang ang ginawa niya??? Kung hindi siya nangurakot, PLASTIK siya???

May isang tatay na niyayaya ng mga tambay na mag-inuman. Gusto naman niya kaya nakitungga na rin siya. Gabi na siyang umuwi at bawas na ang sweldo dahil ginamit pambili ng alak. Base sa prinsipyo ng pagpapakatotoo, tama lang ang ginawa niya??? Kung tumanggi siyang makipag-inuman, PLASTIK siya???

May isang lalaki at isang babae. May gusto sila sa isa’t isa pero pareho na silang may asawa. Dumating ang gabi na nagtanksil sila sa kani-kanilang asawa. Base sa prinsipyo ng pagpapakatotoo, tama lang ang ginawa nila??? Kung kinontrol nila ang kanilang emosyon, PLASTIK sila???

Sana itigil na natin ang paggamit ng katagang “MAGPAKATOTOO KA.” Hindi niyo ba napapansin na ginagamit ito kadalasan upang ipagawa sa isang tao ang isang bagay na medyo ayaw gawin ng isa?!

May isang lalaki na may gusto sa isang babae. “Pare lapitan mo na. May gusto ka sa kanya di ba? Magpakatotoo ka!”

Sa tuwing naririnig ko ang mga katagang “MAGPAKATOTOO KA”, parang ang naririnig ko ay “MAGPA-UTO KA!”

Sana itigil na natin ang pag-justify sa mga ka-demonyohan natin sa paggamit ng mga katagang “at least nagpakatotoo ako.” Pigilin o kontrolin na lang natin ang ating sarili sa paggawa ng mga hindi kaaya-ayang mga gawain. Ugaliin na lang nating isaalang-alang ang mga paniniwala at nararamdaman ng bawat isa. SA MADALING SALITA, “MAGPAKATAO KA!”

Sa media naman, maging responsible sana kayo sa pagbabalita at pagpapalabas ng kung anu-ano. Maraming tamad na tao katulad ko ang nagsasayang ng oras upang manood ng inyong mga walang kwentang palabas. Kaya sana naman, wag niyo kaming gawing tanga. Yun na lang educational o yung mga palabas na nagtuturo ng kabutihang asal. O baka naman kayo mismo ang tanga at may masamang asal… at gusto ninyong magparami ng mga katulad ninyo??? Nagtatanong lang po…

Sa ABS-CBN, buwisit kayo , buwisit, buwisit, buwisit!!!

Monday, July 2, 2007

Sino ang bakla?

Minsan may nagyaya sa akin na mag-inuman. Tumanggi ako kasi hindi naman talaga ako umiinom. Nagulat ako sa reaksiyon niya.


“Pare, bakla ka ba?”


Hindi ako makapaniwala sa katangahan niya. UP graduate pa naman siya. Sinagot ko na lamang ang kanyang tanong isa ring tanong.


“Pare baka ikaw ang bakla kasi ang mga kilala kong bakla ay malakas lumaklak ng alak.”


Sabi nila meron namang naitutulong ang alak sa katawan. Nakakatulong daw ito sa pagtunaw ng ating kinain. Pero diba karamihan ay umiinom na kahit hindi pa kumakain? Anong tutunawin mo dun? Bituka?!? At isa pa, wala pa akong narinig sa buong buhay ko na nagpasalamat sa pag-iinom niya ng alak dahil humaba ang buhay niya o di kaya nawala ang kanyang sakit dahil sa pag-inom ng alak. Ang mga naririnig ko lang ay mga taong nagsisisi dahil sinira ng alak ang kanilang kalusugan.


Malamang na tuwang-tuwa ang mga may-ari ng mga pagawaan ng alak sa pagiging lasenggo ng karamihang pinoy. Bawat iyak ng pamilya ng nabunggong lasing na drayber, bawat sigawan ng mga nagwawalang lasing na tambay sa kalsada, bawat iyak ng mga dalagitang ginagahasa ng mga lasing nilang tagahanga, bawat luha ng mga nanay ng mga estudyanteng di na pumapasok ng sa kanilang klase dahil mas pinipili pa ang makipag-inuman, bawat iyak ng mga batang nagugutom dahil ginastos ng ama ang kakarampot niyang sweldo sa pag-bili ng alak… ay may katumbas na kalansing ng pagpatak ng pera sa mga bulsa ng mga gumagawa ng alak. Napakapalad naman nila, ang pagdurusa ng karanihan nating mga Pilipino ang kanilang swerte.


Kasi daw sa mga pagtitipon ng mga lalaki, mga macho at totoong lalaki. Kailangan daw talaga ng alak. Isa sa mga dahilan ng pangangailangan ng alak ay para magkaroon daw ng lakas ng loob na masabi ang kanilang problema. Ngek! Bakit kailangan pa ng alak para lamang masabi ang mga dapat masabi? Hindi ba ang paggamit ng alak para pampalakas ng loob ay senyales ng pagiging duwag?!! Kung talagang lalaki ka ay masasabi mo ang mga dapat sabihin nang hindi lango sa alak. Isipin mo ito. Di ba mas simbolo pa nga ito ng katangahan kaysa ka-macho-han dahil pag lasing ka ay kung anu-anu na ang nasasabi mo…mga bagay na hindi dapat sabihin iba. Narinig niyo na ba ang kwento ng isang lasenggo sa aming lugar? Dahil sa sobrang kalasingan, nadulas siya sa pag-sasabi ng karanasan niya sa isang babae na asawa ng isa niyang kainuman. Kaya ayun, malamang kalansay na lamang siya sa sementeryo ngayon at yun namang nakasaksak sa kanya ay nataga muna ang asawa bago nadampot ng pulis.


Sa palagay ko, may kinalaman din ang pagiging inutil ng mga pulitiko at pulis natin sa pagiging lasenggo ng mga Pilipino. Hindi nakikita ng mga pinoy ang na ang sobrang pag-inom ng alak ay isang dahilan ng kahirapan at krimen dahil meron silang napagpapasahan ng sisi. Ang kahirapan, pagkagutom at krimen ay napagkakamalang na pangunahing gawa ng kapalpakan ng gobyerno at ng pulisya.


Kung ating pag-iisipan, mas marami ang nakikita kong masamang naidudulot ang alak kaysa mabuti. Kung pwede lang sana, ipagbawal na ang alak kung wala rin lang disiplina ang mga manginginom. Kung hindi man, asikasuhin muna ang mga responsibilidad bago makipag-inuman. At wag magpakabobo. So sana naman wala na akong maririnig na “Pare bakla ka ba?” kung tatanggi ako sa inuman dahil alam mo na ang sagot at alam mo na rin kung sino ang totoong bakla!!!

Thursday, June 21, 2007

The Counterproductive Side of Media

isa sa aking mga napansin ay kulang tayo ng exposure ng mga leaders na role models. ilan sa mga di ko makakalimutang linya ay narinig ko sa isang nahuling magnanakaw sa aming baranggay ay "kung ipapakulong nila ako, ipakulong din nila si presidente arroyo at mga pulitiko natin nagnanakaw ng pera ng bayan..." Yung isa ay sa isang taong nagbalik ng bag na napulot niya, "kasi napanood ko sa TV yung nagbalik ng gamit ng foreigner binigyan ng maraming reward..."

...hindi ako sigurado kung may epekto sa magnanakaw ang naririnig niyang masasamang balita sa TV tungkol sa mga pulitiko natin pero obvious na may epekto ang napapanood/naririni g nating mga magagandang balita. bagamat reward ang motivation ng taong nagsauli ng bag, ang punto ko lang naman dito ay ginawa niya ang isang bagay dahil nakita niya eto na ginawa ng iba.

...so siguro kung pupunuin lang natin ang media ng mga magagandang bagay na dapat gawin at ipapakita ito sa paraang kapuripuri ang mga taong gumagawa nito, maeengganyo ang mga pilipino na sumunod... hindi yung puro na lamang rally... akusasyon na wala naman palang basehan (para lamang pag-usapan para sa exposure sa darating na election)... hiwalayan ng mga celebrity na wala naman tayong pakialam... bangayan ng mga laos na artistang nagpapapansin para lamang mapg-usapan. ..

...di ba kung puro na lang negative ang naririnig sa media mag-iinit ang ulo mo at isipin na lang umalis ng pilipinas hindi dahil sa wala kang pagmamahal sa bayan natin kundi dahil gusto mo iwasan na magising na lamang isang araw sa kulungan dahil minasaker mo ang lahat ng congressman, senator, presidente, ruffa and ylmaz (tama ba esfelling), mga militar, ralista etc...

...inaamin ko na isa ako sa mga nagrereklamo. ..kung nagagampanan ko ang mga tungkulin ko bilang isang mabuting mamamayan ay hindi ko masasagot... inaamin ko na hindi ako bumoto sa nakaraang eleksiyon dahil sa paniniwalang walang kandidato (lalo na sa mga senators) ang karapat dapat. ako ay naniniwalang hindi nasusukat ang kagalingan ng isang pulitiko sa galing niya sa pag-aakusa na hindi sinasabayan ng mga patunay. kayang kayang gawin eto ng kahit na sinong tsismosa sa aming baranggay... etc...

...sorry po napahaba na...basta eto lang masasabi ko... sana matigil na ang mga walang kwentang palabas na nagtututuro lamang ng kabobohan (sa mga adik sa TV alam niyo kung anong palabas yung mga tinutukoy ko)