FREE ANDROID LET Reviewer
https://play.google.com/store/apps/details?id=air.LETReview
Pusa: Tol, astig ng mga tao. Meron silang tinatawag na cellphone. Pwede silang magkausap kahit nasa magkaibang bansa sila.
Aso: Talaga?! Paano yun?
Pusa: Di ko alam eh.
Aso: So paano malalaman na totoo nga silang magkausap?
Pusa: Di ko rin alam.
Aso: Alam mo mga baliw yang mga tao. ilusyon lang nila na nakakausap nila ang ibang tao gamit ang cellphone.
Pusa: Paano mo nasabi yan?
Aso: Imbento nila yun para mapasaya nila sarili nila. Pero sa totoo, wala naman talaga silang kausap. Kung gagamitin mo utak mo, paano mo makakausap ang isang tao na nasa malayo? Tahol ko na nga lang di na marinig sa kabilang kanto, sa kabilang bansa pa kaya?
Pusa: Naniniwala akong nagkakausap talaga sila.
Aso: Haynaku, sige kung maipaliwanag mo sa akin paano sila nagkakausap, maniniwala ako.
Pusa: Di ko kayang maipaliwanag.
Aso: Tapos naniniwala ka na nagkakausap nga sila? Para saan pa yang utak mo kung di mo gagamitin?
Pusa: Porke di mo maintindihan, hindi na totoo? May tinatawag na “FAITH”. Kahit nga sa mga sinasabi mong kayang intindihin ng utak mo, base din sa “faith” kasi naniniwala kang iyon yung tama at totoo.
Aso: Ano na naman yang “faith” na yan?
Pusa: “…faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.” (Hebrews 11:1)
Havablesseday!
My adventures in conquering the universe! All about EDUCATION, PHILIPPINE SOCIETY and NONSENSE... (Corrected by RECD hehe)
Showing posts with label Bagong Lipunan. Show all posts
Showing posts with label Bagong Lipunan. Show all posts
Saturday, October 13, 2012
Pangarap MagFacebook
Nanay: anak anong gusto mo paglaki mo?
Anak: gusto ko po ng katulad ng trabaho niyo 'Nay!
Nanay: ah gusto mo rin magtrabaho sa gobyerno? CIVIL SERVANT tawag sa amin anak..
Anak: ahh, CIVIL SERVANT pala tawag 'nay sa taong nagPEPEYSBUK buong araw habang nasa trabaho!
Wahahaha! Tamaan guilty.. :p
LETTER NG ISANG NANAY sa DepEd
Dear DepEd,
Grade 6 na po ang anak ko. Gusto ko po malaman kung ga-gradweyt ang anak ko ngayong school year para malaman ko kung magpapatahi na ako ng gown namin ng anak ko para sa graduation. Gusto ko kasi terno kami.
Nalaman ko kasi sa kalaro ko ng tong-its na may Grade 7 na daw dahil sa K-12 kaya nga di ko alam kung mag-aalaga ako ng baboy para may kakatayin sa graduation. Mas tipid po kasi yun kesa bumili ng por kilo.
Sana po masagot niyo agad tong liham ko para masabihan ko yung asawa ko kung uuwi siya sa Marso galing Saudi.
Lubos na gumagalang,
Nanay ni Basyang
Breaking News!!! Mga Congressman Nakidnap!!!
Nakidnap daw ng Abu Sayaff ang lahat ng Congressman natin. Humihingi ng 10 bilyong piso na ransom ang mga bandido!!!
Kung hindi daw maibigay ang ransom sa loob ng 5 araw, bubuhusan daw ng gasolina ang bahay na pinagtaguan sa mga congressman at susunugin ng buhay!!!
Kaya nanawagan po kami sa lahat ng Pilipino na magtulungan po tayo ngayon! Kahit magkano po ang ibigay niyo ay taos puso po naming tatanggapin!
Tulungan po natin ang mga Abu Sayaff na makabili ng maraming gasolina. Alam niyo naman may oil price hike ulit! :))
Joke joke lang po.. :D
Monday, February 27, 2012
Death of the Highly Opinionated Scissors
Barbero: may gulo daw sa Hacienda Luisita kanina.
Gunting: pakialam ko?
Barbero: sana masubukan mong maging panabas ng tubo..
Gunting: ano konek?
Barbero: puro buhok lang kasi pinuputol mo kaya di mo alam ang hirap ng pumutol ng mga tubo..
Gunting: utak barbero ka kasi. Alam mo ba na MAS PRODUCTIVE ang Hacienda Luisita kung HINDI IPAMIMIGAY ang lupain sa mga magsasaka? Kung magsasarili bawat magsasaka, mas mahirap i-manage at di pa sigurado na magagamit ang lupa sa kapakipakinabang na paraan..kuha mo?
Barbero: maganda ang nasabi mo. Pero bakit ang mga Aquino-Cojuangco pa rin ang MAYAMAN at HIRAP pa rin ang mga MAGSASAKA? Ibig sabihin lang na HINDI NAKIKINABANG ang mga MAGSASAKA sa KITA ng mga lupain bilang Hacienda Luisita.
Gunting: baka naman nalulugi na ang hacienda?
Barbero: kung nalulugi nga, babanggain mo ba ang Supreme Court para lang mabaliktad ng desisyon nila na ipamigay ang hacienda?
Gunting: tingin mo Hacienda Luisita talaga dahilan bakit mainit tumbong ni Noynoy kay Corona?
Barbero: di ako sigurado..posibleng hindi..posibleng yun nga dahilan.
Gunting: kung ikaw si Noynoy, sino tutulungan mo? Magsasaka o mga kamag-anak mo?
Barbero: depende sa utos ng matatandang Cojuangco-Aquino.. wala naman ako alam diyan at mas lalo ako pakialam..magpa-cute na lang ako sa media para mataas ratings ko at para maging crush din ako ni Grace Lee!
Gunting: pathetic..(nagsuicide ang gunting)
Sad story.. Sa gunting ng barbero, sana masaya ka kung saan ka man naroroon.. :(

Labels:
Bagong Lipunan,
Funs Stuffs,
Opinions,
Penworks
Short Talk With a Chair
Ako: (kausap ang upuan) di ka ba nagsasawa na lagi ka lang inuupuan?
Upuan: di naman. Yun naman purpose ko sa mundo. Kung dumating ang panahon na di na ako pwedeng upuan, wala na akong silbi.. Di na ako matatawag na upuan!
Ako: oo nga naman.
Upuan: ikaw ano silbi mo sa mundo? Ano ba pagkakaiba niyo sa aming non-living things? Ano din pagkakaiba ng tao sa ibang living-things buk0d sa marun0ng kayo mag-Facebook?
Ako: isang pagkakaiba, di kami naniniwala na nagsasalita ang upuan!
Hahaha..
Upuan: di naman. Yun naman purpose ko sa mundo. Kung dumating ang panahon na di na ako pwedeng upuan, wala na akong silbi.. Di na ako matatawag na upuan!
Ako: oo nga naman.
Upuan: ikaw ano silbi mo sa mundo? Ano ba pagkakaiba niyo sa aming non-living things? Ano din pagkakaiba ng tao sa ibang living-things buk0d sa marun0ng kayo mag-Facebook?
Ako: isang pagkakaiba, di kami naniniwala na nagsasalita ang upuan!
Hahaha..
Labels:
Bagong Lipunan,
Funs Stuffs,
Opinions,
Penworks
Friday, December 2, 2011
TOP 10 Reasons Bakit Di Na Kailangang Mag-aral!!! (Version 2.00)
(Kung pareho lang kayo ng IQ ng doorknob, wag mo na basahin. Di mo
rin lang magets na kalokohan to at katuwaan lang. Kung narinig niyo na yung
salitang joke, parang ganun ito lol. Kung may pagkakapareho man sa totoong
buhay, baka dun nga nanggaling yung kwento. Hahahaha..)
REASON 1: PWEDE BUMILI NG DIPLOMA SA RECTO
Dalawa lang naman main purpose bakit may diploma. Una, para
magamit sa paghahanap ng trabaho at para may mai-display mga magulang mo sa
dingding niyo.
So kailangan mo ng trabaho? Punta lang sa Recto at wala pang 24
hours may diploma ka na! Pwede ka na mag-apply sa trabahong pinapangarap mo!
Madami na nakapag-abroad dahil sa mga pekeng dokumento galing sa Recto. So wag
na magpahuli!
REASON 2: WALANG SILBI ANG MATH SA LAWYER AT PANG-BILYAR
LANG NAMAN ANG GEOMETRY SABI NI FRANCIS CHIZ ESCUDERO NOONG 2006
O di ba? Ang idol niyong si Chiz eh di naman nagamit ang Algebra,
Trigonometry at Calculus sa pagiging abugado at politician niya!
So bakit mag-aral ng math eh kailangan mo lang naman i-impress mga
Pilipino sa pagsasalita ng tagalog. Nevermind kung contradicting o redundant
mga sinasabi mo kasi di naman nila yun mapapasin. Kung mapansin man nila, san
sila magrereklamo?
Tsaka, kung gusto ng batang nag-aaral ng elementarya/high school
matuto ng Algebra Trigonometry at Calculus, bahala siya sa buhay niya,
magdesisyon na siya para sa kanyang sarili. Matanda na siya para malaman if
gusto niya mag-engineer o kumuha ng kursong madaming math.
So kung gusto mong maging sikat na politician, laway lang puhunan
mo. Magdasal ka lang na walang mandaraya sayo sa posiyentuhan sa mga kickback
sa mga proyekto ng gobyerno, at magpanggap na lang na masakit ang ulo kung may
magpresent sa iyo ng mga economic reports or proposals na may numbers na
tungkol sa ekomiya na nakabase sa mathematical computations. ;)
Tsaka bakit pa mag-aaral ng History eh nakaraan na nga. Dapat na
mag-move on na sa past!
Bakit mag-aaral ng Chemistry? Toyo patis at suka lang naman
paghahaluin mo pag kakain ka. Bakit kelangan mo bang alamin kung acid o base
ang ang pagkain para mabusog ka? Basta may pagkain ka sa harap mo, mabubuhay ka
na!
Bakit pa may Values Education? Eh yung mga pulitiko nga natin sila
mismo nanloloko sa atin! Sila ang mas may kailangan nun hindi ang mga
ordinaryong Pinoy! Kung minsan nga mga nagtuturo mismo walang values. :p
Bakit pa mag-aaral ng Science eh mamamatay din lang naman tayong
lahat. So wag na pag-aralan mga living at non-living things kasi darating ang
panahon na magiging non-living things na rin lang lahat. Kapag abo na tayo,
wala na bearing kung ano man grade mo sa mga subjects mo.
Bakit pa merong PE? Pagod ka na nga kakalakad sa buong campus,
pagtetext, facebook, pag copy-paste ng project sa internet at pangongopya ng
assignments tapos papagurin ka pa pagtakbo takbo sa basketbol court? Makatao ba
yun?!!
Buti pa yung ROTC may silbi. Nakakapraktis ka kumanta kapag late
ka dumating. Sing and dance pa ipapagawa sa iyo depende sa topak ni Officer.
Siyempre tuwang tuwa ka naman kasi yun naman pangarap mo sa buhay mo, ang
makapagperform sa harap ng mga tao! Stepping stone para sa Talentadong Pinoy at
Pilipinas Got Untalented Judge.
REASON 3: KAWAWA ANG MGA BUSINESSMEN AT MEDIA PAG MATALINO NA ANG
MGA PINOY
Imagine mo na lang kung lalawak ang pang-unawa ng mga Pinoy sa
pagdedesisyon. Di na sila basta basta maloloko ng mga advertisement sa TV.
Mahihirapan sila magbenta ng mga walang kwentang produkto nila. So paano na
sila makakabakasyon sa Boracay?
Paano na ang pagbili nila ng mga malalawak na bukirin na
papatayuan nila ng mga mansiyon nila kapag na-realize ng mga Pinoy na mas
mabisa pa rin ang ampalaya, malunggay, atbp. sa palengke kesa sa mga pinatuyo
at giniling na gulay na nasa loob ng kapsula?
Kawawa si businessman. Paano na ang mga electric bills, water
bills, phone bills, allowance ng mga anak, allowance ng mga anak sa labas,
panggastos ng pamilya, panggastos ng pamilya sa kabit , atbp., kung marealize
ng mga Pinoy na di naman ibig sabihin na pag mas mahal eh mas matibay, mas
mahal mas maganda, na pag mas mura mas lowtech...
Kawawa din ang media kapag matalino ang mga Pinoy kasi marerealize
nila na nakakabobo na mga telenobela at ibang palabas sa local tv. Babawalan na
rin nila mga anak nila manood ng tv kasi puro lang naman katarantaduhan
natutunan nila sa local tv.
Kawawa din ang mga reporter kasi mawawalan na sila ng kredibilidad
pag malaman nila na madali lang pala balubaluktutin ang mga impormasyon para
maging pabor sa sino mang gustong magbayad.
REASON 4: DI NAMAN KAILANGAN MAG-ARAL PARA UMASENSO SA BUHAY
Sa tingin mo, lahat ba ng nakapagtapos ng pag-aaral eh
maganda ang trabaho at malaki ang sweldo?
Pwede ka naman tumaya sa lotto. Pag manalo ka, di mo na
kailangan magtrabaho!
Pwede ka naman magshowbiz. Natural naman sa mga Pilipino ang
mag-acting . Konting praktis lang sa harap ng salamin at ilang kanta lang sa
videoke pwede na! Di naman kailangan na sobrang galing ka para makapasok sa
showbiz. Nood ka ng ASAP at SOP tuwing linggo at pakinggan mga mag-labtim na
kumakanta. Mas maganda pa pagkanta ng kabitbahay niyong kinaiinisan mo kasi ang
lakas pag magvideoke sila.
Kung pangit ka naman, pwede ka magpabatok batok at
magpainsulto. Instant komedyante ka na!
Kung guwapo at maganda ka, magpa-cute ka lang pwede na! Wag
mo na isipin acting mo. Mukha lang naman tinitingnan ng mga Pinoy. Basta guwapo
at maganda, pwede na kahit gasgas na rin ang kwento ng pelikula o telenobela.
Kung anak ka ng sikat na tao, mas madali naman ang pagsikat
mo!
Kahit di ka nakapag-aral, pwede ka rin magbusiness. Madali
lang suhulan ang mga nasa gobyerno para makakuha ng kung anu-anung permit kahit
di ka mag-comply sa mga requirements.
Kung medyo walang koneksiyon o padrino, mag-squat ka sa lupa
ng gobyerno. Magpatayo ng bahay na maraming kwarto. Iparenta ang mga bakanteng
kwarto para may income ka. Kung papaalisin na kayo sa lupa kung saan kayo
illegal na nakatira, pwede kayo humingi ng relocation ayon sa batas. Tapos
ibenta mo ang lupa at bahay na ibibigay sayo at mag-squat ulit sa bakanteng
lupa ng gobyerno.
Kung wala talaga swerte, mamalimos ka na lang. Hanap ka lang
ng lugar na daanan ng tao, maglagay ng
lata sa harap mo, at maghintay na bumuhos ang pera. Pag medyo may asenso na ng
konti, pwede ka na mag-hire ng tagapalimos at magpatayo ng branch sa lahat ng
sulok ng siyudad.
REASON 5: DI NAMAN IBIG SABIHIN NA KAPAG MATAAS GRADE MO,
MAGALING KA NA
Sa quiz, kapag ba mas mataas ang nakuha ni Pedro kaysa kay
Juan, ibig bang sabihin na mas matalino at mas magaling na si Pedro kesa kay
Juan? Di ba pwedeng nangopya muna o may kodigo o tsamba lang sa multiple choice
at true or false?
Kapag ba sa UP, Ateneo, La Salle o Andres Bukid Elementary
School na nagtapos mas magaling na siya kesa sa mga nagtapos ng STI, AMA,
Pacman University (PAC-U), Harvard o Yale?
Di naman reliable yang mga grades na binibigay ng mga
teacher. Porke ba di mo alam mga gusto niyang malaman mo, bobo ka na? Di ba
pwedeng mas gusto mo lang piliin mga maling sagot? Di ba pwedeng mali naman
piliin? Kasi nakakasawa na piliin mga tama. Tutal, mas ‘in’ naman ngayon mga
mali. Mas pasaway ka, mas sikat ka sa barkada! Tingnan mo ngayon kung sino mga
sikat, mga may kaso at criminal!
Tsaka mababasa mo naman sa internet mga tinuturo ngayon sa
mga paaralan. So what’s the point na pumasok pa ng school?
REASON 6: LAHAT NAMAN PUMAPASA SA ELEMENTARY AT HIGH SCHOOL
BASTA REGULAR KA LANG NA PUMASOK AT WAG GUMAWA NG KATARANTADUHAN
Pansinin mo, sa quiz or exam niyo noong elementary at high
school, kahit 1 out of 50, o kahit bokya man score, pasado pa rin!
So bakit pa papapasukin ang mga bata kung papasa din lang
naman sila kahit may matutunan/malaman man sila o wala? Gastos lang sa
uniporme, books, raket na film showing ni teacher, panindang pulburon ni
teacher, at projects na halaman at parol tuwing pasko.
Madali ka rin lang makatuntong sa college kasi matrabaho
magbagsak ng istudyante sa sa high school. Kailangan mo i-justify bakit siya
bagsak. So para wala na paliwanagan, ipasa na lang. Pagdating mo naman ng
college, pumili ka lang ng business oriented na school. Kasi wala naman sila
pakialam kung may matutunan man students nila. Importante, malaki population ng
school para mas madami kita sa tuition. Pag marami kayong binagsak ng Propesor,
isumbong mo sa may-ari ng school at sabihin na di marunong magturo ang Prof. Papagalitan
ang Prof at kung suswertehin, papalitan ng pasado ang grade niyo. Malas mo na
lang kung magresign si Prof kasi di niya masikmura pamamalakad ng school admin.
REASON 7: DI NAMAN TAYO AMERIKANO, HAPON, O TAGA EUROPA PARA
MAG-ARAL NG MGA MATATAAS NA URI NG ARALIN
Wala rin lang naman tayong sapat na pasilidad para magamit
ang mga latest na discoveries sa sciences at technology so bakit pa
pag-aaralan?
Tsaka kuntento na tayo sa mga scrap machines galing sa Japan
at Korea. Konting repair lang, pintura at washing pwedeng na ipasada! Bahala na
ibang bansa mag-imbento ng kung anu-ano. Umasa na lang tayo sa mga basura nila.
Tutal, high-tech naman mga yun dati. Magastos at walang kasiguruhan kung
magresearch. Nakakapagod pa sa utak. Kawawa lang mga scientists natin.
REASON 8: MAHIRAP MANGAMPANYA TUWING ELEKSIYON PAG
MATATALINO O NAG-IISIP ANG MGA BOTANTE
Imagine na lang ang hirap na daranasin ng mga pulitiko natin
tuwing eleksiyon pag nag-iisip na ang mga botante! Di na sila madadaan sa
pasayaw sayaw at pagkanta kanta ng mga kandidato. Maghahanap na ang mga botante
ng mga plataporma at magtatanong na kung paano maipapatupad ang mga plataporma.
Hindi yung pangako ng kung anu-ano pero puro naman suntok sa buwan. Yung tipong
kailangan mo superpowers nina Son Goku, Naruto, Gundam Wings, Panday, Barney at
Teletubies para lang maipatupad ang mga pangako.
Marerealize na rin ng mga tao na ang mga pulitiko ay ‘public
servant’ at di ‘public master’. So mahirap na mang-uto at manggamit ng mga tao
para sa pansariling kapakanan ng ating mga napakasipag at napaka-productive na
pulitiko.
REASON 9: PWEDENG SOURCE OF ENTERTAINMENT ANG KABOBOHAN
Ang boring kaya ng buhay pag matalino lahat ng tao.
Pag kambing ka at may narinig ka na nagsabi ng “may nakita
akong kambing na 3 ang paa”, wag ka magalit kasi di naman ibig sabihin nun na
lahat ng kambing ay 3 lang ang paa!
Pag kamukha mo si Angel Locsin at may nakita kang pangit na
sinabihan na kamukha siya ni Angel Locsin, wag ka mainsulto kasi di naman niya
sinabi na pangit ka. Malamang nambobola lang yun o sumisipsip para sa
promotion!
Ito true-to-lie story sa bario namin. Si Boy Tutpik
sinabihan si Manang Paa na mukha daw siyang sapatos. Nakarating kay Aling
Sapatos ang kwento at nainsulto kasi ikinumpara daw siya kay Manang Paa. Kaya
dun nagsimula ang away. Pero kung
iisipin mo, sinabi ni Boy Tutpik na si Manang Paa ay Mukhang Sapatos. Si naman
niya sinabi na Si Aling Sapatos ay mukhang paa. Magkaiba yun! Kaya ngayon, pag
nagbabangayan sila, andami nilang napapasayang kalyo, kuto at at buhok sa
kilikili.
Speaking of bangayan, nakakatuwa din ang ginagawang
kabobohan ng media. May interview sila kay Senador Baliw at may nasabi siya na tungkol sa anak ni Nanay
Panget. Interview din nila si Nanay Panget para patas daw. Tapos magiging
headline na, SENADOR BALIW AT NANAY PANGIT, NAGBANGAYAN! Di ba media tagabalita
lang? Bakit parang sila na nagdidikta ng takbo ng balita? Kasi magbabangayan ba
sila kung di sila na-interview? Buti sana nakita o nadatnan na nila sila na
nagbabangayan. Eh hindi eh. Ganun pa man, napasaya nila ang manonood. Wag na isipin
ang serbisyo publiko o responsible journalism. Mas importante ang RATINGS para
mataas ang kita!
REASON 10: DI NA MAIISIP NG READERS NA PAMPAHABA LANG TONG
HULING REASON
So TOP 9 Reasons na lang kung gusto tanggalin tong REASON
10. Di na consistent sa title ng article. Lol
(NEXT WEEK NA LANG YUNG TOP 10 REASONS KUNG BAKIT NAMAN NATIN KAILANGAN MAG-ARAL)
Privilege
speech sa kongreso ng idol mong si Chiz noong July 25-26, 2006:
Mr. Speaker, ang isang dahilan kung bakit kada taon marami
tayong classrooms na kinakailangan ay dahil napakaraming nasisira sa kakulangan
ng supisyenteng pondo para i-maintain at i-repair lang sana ang mga classrooms
na ito.
Secondly, Mr. Speaker, we should and we propose that the
curriculum be restudied. Mr. Speaker, I know that this will generate a lot of
debate but I hope that our colleagues will listen for awhile. Sa ngayon,
umaabot sa nine to eleven ang subjects ng ating mga estudyante sa elementary at
high school. Nakukuba na ang ating mga estudyante sa kakabitbit ng napakaraming
libro. Subalit ang tanong ko ho: Ito ba ay angkop pa rin sa pangangailangan ng
ating bansa sa ngayon? Ang kanila po bang pinag-aralan ay nagagamit nila sa
kanilang buhay sa labas ng paaralan at magagamit kapagka sila ay naghanap ng
trabaho?
I can only cite myself as an example, Mr. Speaker, but mula po nung natapos ako nung high school hindi ko pa nagamit ang Calculus, hindi ko pa ho nagamit and Trigonometry, hindi ko pa ho nagamit and Algebra, iyung Geometry, sa bilyar ko lang nagamit. At iyong mga ibang itinuturo ay marapat sigurong ituro sa kolehiyo kung nais maging inhinyero ng isang bata. Iyong mga ibang itinuturo, marapat sigurong ibigay na lamang nating sa kanila sa kolehiyo o bilang elective pagdating ng high school.

Thursday, December 1, 2011
Top Reasons Why We Need to Abolish the Education System in The Philippines
If you have an IQ equal to doorknobs’ IQ, this a satire, ok?
O di ba? Ang idol niyong si Chiz eh di naman nagamit ang Algebra, Trigonometry at Calculus sa pagiging abugado at feeling great politician niya! So bakit mag-aral ng math eh kailangan mo lang naman i-empress mga Pilipino sa pagsasalita ng tagalog. Nevermind kung contradicting o redundant mga sinasabi mo kasi di naman nila yun mapapasin. Kung mapansin man nila, san sila magrereklamo?
Bakit mag-aaral ng Chemistry? Toyo patis at suka lang naman paghahaluin mo pag kakain ka. Bakit kelangan mo bang alamin kung acid o base ang ang pagkain para mabusog ka? Basta may pagkain ka sa harap mo, mabubuhay ka na!
Bakit pa may Values Education? Eh yung mga pulitiko nga natin sila mismo nanloloko sa atin! Sila ang mas may kailangan nun hindi ang mga ordinaryong Pinoy! Kung minsan nga mga nagtuturo mismo walang values. :p
Bakit pa mag-aaral ng Science eh mamamatay din lang naman tayong lahat. Pag abo na tayo, wala na bearing kung ano man grade mo sa mga subjects mo.
Bakit pa merong PE? Pagod ka na nga kakalakad sa buong campus, pagtetext, facebook, pag copy-paste ng project sa internet at pangongopya ng assignments tapos papagurin ka pa pagtakbo takbo sa basketbol court? Makatao ba yun?!!
Buti pa yung ROTC may silbi. Nakakapraktis ka kumanta kapag late ka dumating. Sing and dance pa ipapagawa sa iyo depende sa topak ni Officer. Siyempre tuwang tuwa ka naman kasi yun naman pangarap mo sa buhay mo, ang makapagperform sa harap ng mga tao!
Imagine mo na lang kung lalawak ang pang-unawa ng mga Pinoy sa pagdedesisyon. Di na sila basta basta maloloko ng mga advertisement sa TV. Mahihirapan sila magbenta ng mga walang kwentang produkto nila. So paano na sila makakabakasyon sa Boracay?
Paano na ang pagbili nila ng mga malalawak na bukirin na papatayuan nila ng mga mansiyon nila kapag na-realize ng mga Pinoy na mas mabisa pa rin ang ampalaya, malunggay, atbp. sa palengke kesa sa mga gulay na nasa loob ng kapsula?
(NEXT TIME NA YUNG IBA, TULUGAN NA EH.. hahahaha)
REASON 1: PWEDE BUMILI NG DIPLOMA SA RECTO
Dalawa lang naman main purpose bakit may diploma. Una, para
magamit sa paghahanap ng trabaho at para may maidisplay mga magulang mo sa
dingding niyo.
So kailangan mo ng trabaho? Punta lang sa Recto at wala pang
24 hours may diploma ka na! Pwede ka na mag-apply sa trabahong pinapangarap mo!
Madami na nakapag-abroad dahil sa mga pekeng dokumento
galing sa Recto. So wag na magpahuli!
REASON 2: WALANG SILBI ANG MATH SA LAWYER AT PANG-BILYAR LANG NAMAN ANG GEOMETRY SABI
NI FRANCIS CHIZ ESCUDERO NOONG 2006
O di ba? Ang idol niyong si Chiz eh di naman nagamit ang Algebra, Trigonometry at Calculus sa pagiging abugado at feeling great politician niya! So bakit mag-aral ng math eh kailangan mo lang naman i-empress mga Pilipino sa pagsasalita ng tagalog. Nevermind kung contradicting o redundant mga sinasabi mo kasi di naman nila yun mapapasin. Kung mapansin man nila, san sila magrereklamo?
So kung gusto mong maging sikat na politician, laway lang
puhunan mo. Magdasal ka lang na walang mandaraya sayo sa posiyentuhan sa mga
kickback sa mga proyekto ng gobyerno, at magpanggap na lang na masakit ang ulo
kung may magpresent sa iyo ng mga economic reports or proposals na may numbers na tungkol sa ekomiya na
nakabase sa mathematical computations. ;)
Tsaka bakit pa mag-aaral ng History eh nakaraan na nga.
Dapat na mag-move on na sa past!
Bakit mag-aaral ng Chemistry? Toyo patis at suka lang naman paghahaluin mo pag kakain ka. Bakit kelangan mo bang alamin kung acid o base ang ang pagkain para mabusog ka? Basta may pagkain ka sa harap mo, mabubuhay ka na!
Bakit pa may Values Education? Eh yung mga pulitiko nga natin sila mismo nanloloko sa atin! Sila ang mas may kailangan nun hindi ang mga ordinaryong Pinoy! Kung minsan nga mga nagtuturo mismo walang values. :p
Bakit pa mag-aaral ng Science eh mamamatay din lang naman tayong lahat. Pag abo na tayo, wala na bearing kung ano man grade mo sa mga subjects mo.
Bakit pa merong PE? Pagod ka na nga kakalakad sa buong campus, pagtetext, facebook, pag copy-paste ng project sa internet at pangongopya ng assignments tapos papagurin ka pa pagtakbo takbo sa basketbol court? Makatao ba yun?!!
Buti pa yung ROTC may silbi. Nakakapraktis ka kumanta kapag late ka dumating. Sing and dance pa ipapagawa sa iyo depende sa topak ni Officer. Siyempre tuwang tuwa ka naman kasi yun naman pangarap mo sa buhay mo, ang makapagperform sa harap ng mga tao!
REASON 3: KAWAWA ANG MGA BUSINESSMEN AT MEDIA PAG MATALINO
NA ANG MGA PINOY
Imagine mo na lang kung lalawak ang pang-unawa ng mga Pinoy sa pagdedesisyon. Di na sila basta basta maloloko ng mga advertisement sa TV. Mahihirapan sila magbenta ng mga walang kwentang produkto nila. So paano na sila makakabakasyon sa Boracay?
Paano na ang pagbili nila ng mga malalawak na bukirin na papatayuan nila ng mga mansiyon nila kapag na-realize ng mga Pinoy na mas mabisa pa rin ang ampalaya, malunggay, atbp. sa palengke kesa sa mga gulay na nasa loob ng kapsula?
Paano na ang mga electric bills, water bills, phone bills,
allowance ng mga anak, allowance ng mga anak sa labas, panggastos ng pamilya,
panggastos ng pamilya sa kabit, atbp., kung marealize ng mga Pinoy na di naman
ibig sabihin na pag mas mahal eh mas matibay, mas mahal mas maganda, na pag mas
mura mas lowtech...
Kawawa din ang media kapag matalino ang mga Pinoy kasi
marerealize nila na nakakabobo na mga telenobela at ibang palabas sa local tv.
Babawalan na rin nila mga anak nila manood ng tv kasi puro lang naman katarantaduhan
natutunan nila sa local tv. Kawawa din ang mga reporter kasi mawawalan na sila
ng credibilidad pag malaman nila na madali lang pala balubaluktutin mga
impormasyon para maging pabor sa sino mang gustong magbayad.
(NEXT TIME NA YUNG IBA, TULUGAN NA EH.. hahahaha)
Saturday, November 26, 2011
Philippine Politics
Philippine Politics is a real life 'command and conquer' game for the rich filipinos..gather materials, build facilities, make allies, strengthen your forces then destroy the other camp! Progress is mainly for supremacy and not a product of desire to have a community where everybody lives a meaningful and fruitful lives..
Sana mali ako..
Sana mali ako..
KADALASANG DAHILAN NG AWAY
Teenager: lovelife
Matanda: pera
Mayaman: position/powerMatanda: pera
Tindera: agawan ng suki
Pulitiko: gusto lang tlga mag away para may exposure sa media
Bata: no documents found! Pag tinatanong kasi mga bata bkit nag away sila, di na nila matandaan..
Uwian na! :p
Freedom of Expression..
Opo, may freedom of expression tayo pero di po yan absolute. Kaya nga may libel..kasi dapat may RESPETO din..
On the other hand, yung exibit sa CCP na 'bastos' diumano ay para sa mga gustong makakita ng 'art', so para sa mga 'may sense of art'..
Naging magulo at napalaki lang ang gulo dahil sa exaggeration or pagiging insensitive or irresponsibility ng media.
Opinyon lang po...

Matulungin ka ba?
may matanda kanina humihingi tulong para sa gastos sa ospital daw sa Bolingit.. Nung tatawagan na ng cofaculty ko yung hospital, biglang sinabi 'nilipat na sa Makati'..
TOINKS!!!
Di masama tumulong, pero kung di naman kapani paniwala humihingi ng tulong, tutulungan mo ba?
'ingats!', sabi nga ni John 'Lock' Lloyd.. :p
TOINKS!!!
Di masama tumulong, pero kung di naman kapani paniwala humihingi ng tulong, tutulungan mo ba?
'ingats!', sabi nga ni John 'Lock' Lloyd.. :p
GIYERA SA MINDANAO
wag na umasa ng kapayapaan sa mindanao..
sa GULO SA MINDANAO KUMIKITA ang ilang makapangyarihang POKEMON so sa tingin niyo gusto nila ng peace???
Maawa kayo sa mga Legendary Pokemons.. Mawawalan sila ng pagkakakitaan.. Suportahan natin ang gulo sa Mindanao! Nyahahaha... :p

Spot the Difference
Spot the Difference:
Ordinaryong Filipino: Sana humina na ang bagyo, para hindi masira ang aming pananim at ibang pinagkakabuhayan..
Extraordinaryong Pulitiko: Sana lumakas pa ang bagyo para marami masirang pananim at pangkabuhayan ng nasasakupan ko.. PARA BUMUHOS ANG CALAMITY FUND PARA MADAGDAGAN ULIT LAMAN NG BANK ACCOUNT KO NA PARA SA SUSUN0D NA ELECTI0N..
Enjoy and havablesseday! Late na ako..

CRAB MENTALITY
Pag isipan mo to:
Huwag mong siraan o gumawa ng paraa para bumagsak ang TUMALO SA IYO..
Dapat mo pa siya tulungan umangat at magtagumpay sa anumang gagawin niya..
Huwag mong siraan o gumawa ng paraa para bumagsak ang TUMALO SA IYO..
Dapat mo pa siya tulungan umangat at magtagumpay sa anumang gagawin niya..
Kasi kung palpak siya sa mga ginagawa niya, ano na lang iisipin ng tao sa iyo na tinalo niya?
Kung bobo siya at loser, sino mas bobo at loser? Di ba ikaw na tinalo niya?
No to CRAB MENTALITY!
Destistirador
TEXT NI AMPATUNGAN KAY GLORIE
Madali nahuli si DESTISTIRADOR kasi walang kamag-anak na mayaman o may mataas na katungkulan..
REPLY NI GLORIE:
Madali nahuli si DESTISTIRADOR kasi walang kamag-anak na mayaman o may mataas na katungkulan..
REPLY NI GLORIE:
Moral lesson:
Mabilis kumilos ang hustisya sa mga small time crime kasi walang takip na pera sa mukha ng mga tagapagpatupad ng batas.. Wala rin kamag-anak na bigtime o padrino sa gobyerno kaya cased closed na anytime!
Old Balara Demolition
moral lesson sa old balara demolition: wag mag squat sa private na lupa..wala ka makukuha pag paaalisin ka na ayon sa batas..
Pero pag lupa ng gobyerno, may karapatan kang humingi ng relocation..
pag di mo type ang relocation na ibibigay, pwede mo ibenta at mag squat ulit sa lupa ng gobyerno!
Pero pag lupa ng gobyerno, may karapatan kang humingi ng relocation..
pag di mo type ang relocation na ibibigay, pwede mo ibenta at mag squat ulit sa lupa ng gobyerno!
Ano pa hinihintay mo?! Mag squat na!
This message is brought to you by Shining Star Professional Squatters Association of Tondo..
Lablayf ni PNOY
Zero luvlyf daw si Noynoy..
Pano ba naman eh mga batang babae nili-link sa kanya!
Try niyo i-link yan kay Piolo Pascual or Richard Gutierez, tingnan niyo maging blooming yan bigla!
Pano ba naman eh mga batang babae nili-link sa kanya!
Try niyo i-link yan kay Piolo Pascual or Richard Gutierez, tingnan niyo maging blooming yan bigla!
Nyahaha.. Pero sa tingin ko mas bagay ang Noynoy at Madam Auring labtim!
Ano sa palagay mo? :p
Bukas Zipper ni Sir
Sa algebra class 5-6pm..
Ako: unahan ko na kayo kasi im sure pagtsismisan ako ng iba after class.. Nasira zipper ng pants ko kaya wag kayo madistract.. Focus on the board!
Nyahaha.. Una unahan lang yan.. :p
Ako: unahan ko na kayo kasi im sure pagtsismisan ako ng iba after class.. Nasira zipper ng pants ko kaya wag kayo madistract.. Focus on the board!
Nyahaha.. Una unahan lang yan.. :p
Labels:
Bagong Lipunan,
Education,
Funs Stuffs,
Personal Adventures
ROTC
Sira ba mp3 player mo?!
Mag apply na ROTC officer!
Pwede mo pakantahin or pasayawin mga cadet na may violation!
Mag apply na ROTC officer!
Pwede mo pakantahin or pasayawin mga cadet na may violation!
Oha oha!
(sayang di ko navideo ung happening kanina)
Sana magkaroon ng written rules kung anu ang official commands na pwede ibigay ng ROTC OFFICERS at corresponding na parusa..
Yung iba trip trip nlng nila..kung anu maisip yun na ipapagawa..kaya imbes na madisiplina nagiging tarantado..
Opinyon lang..
Subscribe to:
Posts (Atom)