Saturday, October 13, 2012

INTERVIEW WITH THE MARTIAN: THE CONCEPT OF LOVE IN MARS


Ako: Sa planeta niyo, ano ang PAG-IBIG?

Martian: Kumplikado ang konsepto namin ng PAG-IBIG. Pero ang isang importanteng elemento ay ang DECISION.

Ako: Anong ibig mong sabihin?

Martian: Ang lalaking Martian ay kailangang MAGDESISYON na MAHALIN ang isang babaeng Martian.

Ako: Ibig bang sabihin na pwede akong mamili na lang ng kung sinong babae sa kalsada at MAGDESISYON na mahalin siya, kahit wala akong nararamdaman sa kanya?

Martian: Hindi iyon ang punto ko. Para itong pagpili ng isusuot mo sa trabaho. Halimbawa wala naman uniporme sa opisina niyo, pipikit ka ba at pipili ng damit sa aparador at isusuot ang damit na mapipili mo?

Ako: Siyempre hindi. Pipili ako ng damit na gusto kong isuot.

Martian: Parang ganon ang gusto kong sabihin. Hindi naman basta basta mamimili. Dapat gusto mo din pipiliin mo.

Ako: So anong silbi ng DECISION? Ang importante lang naman ay gusto mo isuot yung damit.

Martian: Paano kung naisuot mo na yung damit tapos may bigla kang nakitang damit na gusto mo rin isuot? Isusuot pa rin yung una? Tatanggalin mo yung damit at isuot yung pangalawa? O isusuot mo na lang silang dalawa?

Ako: Kahit ano! Kung medyo late na e di yung una na lang. Pero kung may time pa para magbihis, yung pangalawa siguro. Pero kung bagay naman pagsabayin yung dalawang damit, try ko siguro pagsabayin. Pero anong koneksiyo nito sa pinag-uusapan natin?

Martian: Mga katulad niyong tao kasi ay parang pumipili ng isusuot na damit kung UMIBIG. Depende sa kung ano ang gusto. Kung ayaw na, papalitan na lang. Di kami tulad niyo. Di kami nagsasawa sa MAHAL namin. Bakit di kami nagsasawa? Parang sa pagpili ng damit, kung ano unang napagdesisyunan naming isuot, yun na ang isusuot namin. Kahit nagkagusto pa kami sa ibang babaeng martian, babalik at babalik kami sa aming desisyon na MAMAHALIN SIYA KAHIT NA ANONG MANGYARI.

Ako: Pwede ba magbago ang desisyon niyo?

Martian: Oo naman pwede rin magbago.

Ako: Akala ko ba kapag nagdesisyon kayong Martian, MAMAHALIN NIYO YUNG BABAE KAHIT NA ANONG MANGYARI?

Martian: Oo mahal pa rin pero may mga pagkakaon na kailangan na magmahal na ng iba. Katulad din dito sa planeta niyo, kapag may girlfriend na… o may asawa na… o iniwan ka na… o kapag ang babae mismo ang nagsabi na magmahal ka na ng iba…

Ako: Parang wala din pinag-kaiba sa konsepto naming dito sa Earth.

Martian: Hanggang dito sa punto na ito ay di mo pa rin ata naiintindihan.

Ako: Siguro kung masasabi mo ang pagkakaiba ng PAG-IBIG dito sa Earth at PAG-IBIG sa inyo sa Mars mas maiintindihan ko.

Martian: Ano ang isa sa mga mahalagang bagay na dapat isaalang-alang para mas matibay ang isang gusali?

Ako: Di ako engineer pero sa tingin ko isa yung pundasyon. Mas matibay ang FOUNDATION, mas matibay ang gusali.

Martian: Tama, mas matibay ang isang relasyon kung DECISION ang magiging FOUNDATION ng isang relasyon kesa EMOTION.

Ako: Paano naging mas matibay ang DECISION kesa sa EMOTION?

Martian: HINDI STABLE ang EMOTION. May pagkakataon na may NARARAMDAMAN tayong pagmamahal, may pagkakataon naman na parang wala na ang pagmamahal dahil sa konting di pagkakaunawaan o tampuhan.

Ako: Tapos naghihiwalay na dahil lang dun.

Martian: Tama. Mas malala ang sitwasyon kung ang lalaking Martian ay may nakilalang babaeng Martian at may naramramdaman din siya na katulad ng naramdaman niya sa minamahal.

Ako: Mas lalo pang malala kung magkalayo ang dalawang nagmamahalan.

Martian: Naintindihan mo na yung kalahati.

Ako: Ano yung isang kalahati?

Martian: Yung DECISION. Kapag kaming mga Martian nagdesisyon MAMAHALIN NAMIN YUNG BABAE KAHIT NA ANONG MANGYARI? Nasabi mo na rin yan kanina.

Ako: Ibig mo bang sabihin na walang silbi ang EMOTION?

Martian: Ang napag-usapan natin ay FOUNDATION. Hindi yung buong gusali. Ang emotion ang nagpapasarap sa isang relasyon. Parang sa pagkain, kailangan natin kumain, DECISION, pero mas maeenjoy natin kung masarap ang pagkain (EMOTION).

to be continued... tapos na lunch break eh.. hahahaha

No comments:

Post a Comment