Saturday, October 13, 2012

Usapan ng mga Bobong Aso at Pusa

FREE ANDROID LET Reviewer

https://play.google.com/store/apps/details?id=air.LETReview



Pusa: Tol, astig ng mga tao. Meron silang tinatawag na cellphone. Pwede silang magkausap kahit nasa magkaibang bansa sila.

Aso: Talaga?! Paano yun?


Pusa: Di ko alam eh.


Aso: So paano malalaman na totoo nga silang magkausap?


Pusa: Di ko rin alam.


Aso: Alam mo mga baliw yang mga tao. ilusyon lang nila na nakakausap nila ang ibang tao gamit ang cellphone. 


Pusa: Paano mo nasabi yan?


Aso: Imbento nila yun para mapasaya nila sarili nila. Pero sa totoo, wala naman talaga silang kausap. Kung gagamitin mo utak mo, paano mo makakausap ang isang tao na nasa malayo? Tahol ko na nga lang di na marinig sa kabilang kanto, sa kabilang bansa pa kaya?


Pusa: Naniniwala akong nagkakausap talaga sila.


Aso: Haynaku, sige kung maipaliwanag mo sa akin paano sila nagkakausap, maniniwala ako.


Pusa: Di ko kayang maipaliwanag.


Aso: Tapos naniniwala ka na nagkakausap nga sila? Para saan pa yang utak mo kung di mo gagamitin?


Pusa: Porke di mo maintindihan, hindi na totoo? May tinatawag na “FAITH”. Kahit nga sa mga sinasabi mong kayang intindihin ng utak mo, base din sa “faith” kasi naniniwala kang iyon yung tama at totoo.


Aso: Ano na naman yang “faith” na yan?


Pusa: “…faith is confidence in what we hope for and assurance about what we do not see.” (Hebrews 11:1)


Havablesseday!

Pangarap MagFacebook


Nanay: anak anong gusto mo paglaki mo?

Anak: gusto ko po ng katulad ng trabaho niyo 'Nay!

Nanay: ah gusto mo rin magtrabaho sa gobyerno? CIVIL SERVANT tawag sa amin anak..

Anak: ahh, CIVIL SERVANT pala tawag 'nay sa taong nagPEPEYSBUK buong araw habang nasa trabaho!

Wahahaha! Tamaan guilty.. :p

INTERVIEW WITH THE MARTIAN: THE CONCEPT OF LOVE IN MARS


Ako: Sa planeta niyo, ano ang PAG-IBIG?

Martian: Kumplikado ang konsepto namin ng PAG-IBIG. Pero ang isang importanteng elemento ay ang DECISION.

Ako: Anong ibig mong sabihin?

Martian: Ang lalaking Martian ay kailangang MAGDESISYON na MAHALIN ang isang babaeng Martian.

Ako: Ibig bang sabihin na pwede akong mamili na lang ng kung sinong babae sa kalsada at MAGDESISYON na mahalin siya, kahit wala akong nararamdaman sa kanya?

Martian: Hindi iyon ang punto ko. Para itong pagpili ng isusuot mo sa trabaho. Halimbawa wala naman uniporme sa opisina niyo, pipikit ka ba at pipili ng damit sa aparador at isusuot ang damit na mapipili mo?

Ako: Siyempre hindi. Pipili ako ng damit na gusto kong isuot.

Martian: Parang ganon ang gusto kong sabihin. Hindi naman basta basta mamimili. Dapat gusto mo din pipiliin mo.

Ako: So anong silbi ng DECISION? Ang importante lang naman ay gusto mo isuot yung damit.

Martian: Paano kung naisuot mo na yung damit tapos may bigla kang nakitang damit na gusto mo rin isuot? Isusuot pa rin yung una? Tatanggalin mo yung damit at isuot yung pangalawa? O isusuot mo na lang silang dalawa?

Ako: Kahit ano! Kung medyo late na e di yung una na lang. Pero kung may time pa para magbihis, yung pangalawa siguro. Pero kung bagay naman pagsabayin yung dalawang damit, try ko siguro pagsabayin. Pero anong koneksiyo nito sa pinag-uusapan natin?

Martian: Mga katulad niyong tao kasi ay parang pumipili ng isusuot na damit kung UMIBIG. Depende sa kung ano ang gusto. Kung ayaw na, papalitan na lang. Di kami tulad niyo. Di kami nagsasawa sa MAHAL namin. Bakit di kami nagsasawa? Parang sa pagpili ng damit, kung ano unang napagdesisyunan naming isuot, yun na ang isusuot namin. Kahit nagkagusto pa kami sa ibang babaeng martian, babalik at babalik kami sa aming desisyon na MAMAHALIN SIYA KAHIT NA ANONG MANGYARI.

Ako: Pwede ba magbago ang desisyon niyo?

Martian: Oo naman pwede rin magbago.

Ako: Akala ko ba kapag nagdesisyon kayong Martian, MAMAHALIN NIYO YUNG BABAE KAHIT NA ANONG MANGYARI?

Martian: Oo mahal pa rin pero may mga pagkakaon na kailangan na magmahal na ng iba. Katulad din dito sa planeta niyo, kapag may girlfriend na… o may asawa na… o iniwan ka na… o kapag ang babae mismo ang nagsabi na magmahal ka na ng iba…

Ako: Parang wala din pinag-kaiba sa konsepto naming dito sa Earth.

Martian: Hanggang dito sa punto na ito ay di mo pa rin ata naiintindihan.

Ako: Siguro kung masasabi mo ang pagkakaiba ng PAG-IBIG dito sa Earth at PAG-IBIG sa inyo sa Mars mas maiintindihan ko.

Martian: Ano ang isa sa mga mahalagang bagay na dapat isaalang-alang para mas matibay ang isang gusali?

Ako: Di ako engineer pero sa tingin ko isa yung pundasyon. Mas matibay ang FOUNDATION, mas matibay ang gusali.

Martian: Tama, mas matibay ang isang relasyon kung DECISION ang magiging FOUNDATION ng isang relasyon kesa EMOTION.

Ako: Paano naging mas matibay ang DECISION kesa sa EMOTION?

Martian: HINDI STABLE ang EMOTION. May pagkakataon na may NARARAMDAMAN tayong pagmamahal, may pagkakataon naman na parang wala na ang pagmamahal dahil sa konting di pagkakaunawaan o tampuhan.

Ako: Tapos naghihiwalay na dahil lang dun.

Martian: Tama. Mas malala ang sitwasyon kung ang lalaking Martian ay may nakilalang babaeng Martian at may naramramdaman din siya na katulad ng naramdaman niya sa minamahal.

Ako: Mas lalo pang malala kung magkalayo ang dalawang nagmamahalan.

Martian: Naintindihan mo na yung kalahati.

Ako: Ano yung isang kalahati?

Martian: Yung DECISION. Kapag kaming mga Martian nagdesisyon MAMAHALIN NAMIN YUNG BABAE KAHIT NA ANONG MANGYARI? Nasabi mo na rin yan kanina.

Ako: Ibig mo bang sabihin na walang silbi ang EMOTION?

Martian: Ang napag-usapan natin ay FOUNDATION. Hindi yung buong gusali. Ang emotion ang nagpapasarap sa isang relasyon. Parang sa pagkain, kailangan natin kumain, DECISION, pero mas maeenjoy natin kung masarap ang pagkain (EMOTION).

to be continued... tapos na lunch break eh.. hahahaha

Signs


SIGNS        

“Hi miss! May kasama ka ba?” tanung ko sa dalagang nag-iisa sa pang apat na mesa habang hawak ko ang isang tray ng burger meal ng Jollibee.

Ngumiti lang ang dalaga.

Tiningnan ko ang nasa mesa niya. May isang pie at dalawang sundae. Meron din isang plastic ng grocery sa upuan na nasa tapat niya. May kasama nga siya.

Ibinaling ko ang tingin sa ibang mga mesa sa pag-asang makakakita ng bakante. Subalit wala ako nakita. Ibinalik ko ang tingin sa dalaga at nakiusap na makisalo muna ako sa mesa niya.

“Bibilisan ko naman ang pagkain. Wala lang talagang bakante na mesa. Kung dumating na ang boyfriend mo, aalis din ako agad.”

Ngumiti ulit siya. Pero ngayon, tumango siya habang nakatingin sa akin na sa tingin ko ay pumayag na siya.

“Fries gusto mo?” tanung ko agad sa dalaga pagkaupo. Kumuha siya ng isa at isinubo na walang ketsup. Hindi siya mahiyain sabi ko sa sarili ko. Malamang ay ayaw lang niya ako sa table niya kaya di siya umiimik.

Kanina pa siya nakatingin sa kanyang cellphone na nakapatong sa mesa. Malamang kanina pa niya inaabangan ang boyfriend niya. Natutunaw na ang dalawang sundae at malamang na padating na yun.

“Dahan dahan lang.”

“Baka kasi malapit na boyfriend mo.”

“Wala ako boyfriend.”

“Baka malapit na girlfriend mo.”

Tumaas kilay niya.

“Baka malapit na yung kasama mo kakain.”

“Paano mo naman nasabi na may kasama ako?”

Itinuro ko ang dalawang sundae.

Ibinigay niya ang isang sundae sa isang bata sa katabing mesa.

“Ah sila pala kasama mo,” sabi ko habang pinagmamasdan ang pamilya ng batang pinagbigyan niya ng sundae.

“Di ko sila kilala,” sabi ng dalaga at binuksan ang isang pie.

“Bakit mo binigay kung di mo sila kilala?”

“Para di mo isipin na may kasama ako.”

“Iisipin ko pa rin na may kasama ka kasi meron pa natitirang sundae.”

“Sa iyo na ‘yan. Di ko naman inaasahan na darating kasama ko,” sabi niyang nakangiti habang nilapit ang sundae sa akin.

“Bakit mo pa rin hinihintay kung alam mo naman na hindi siya darating?”

“Kasi di lang siya hinihintay ko.”

“Sabi mo kanina, di mo na inaasahan darating ang kasama mo. Ibig sabihin, kahit gaano man sila karami wala ka na hihintayin.”

“Meron pa rin. Dumating na nga eh,” nakangiting tugon niya sa sinabi ko.

“Miss, ayaw kong maging assuming pero ako ba binabanggit mo?”

“Hindi rin ako sigurado pero sa palagay ko ikaw nga.”

“Hinihintay mo ako pero ngayon lang tayo nagkita. Hindi ko nga alam pangalan mo eh.”

“Alam kong ikaw si Bryce.”

“Ano ang apelyido ko miss two hundred eight?” tanung ko habang inaalis ang ID kong suot.

“Nakita ko na kanina pa bago mo pa tanggalin ang ID mo. Bakit tinawag mo ako na two hundred eight?”

“Hindi kasi kita kilala. Wala ka naman ID na suot. Nakita ko lang resibo mo sa groceries. Two hundred eight pesos.”

“Juli tawag sa akin ng friends ko.”

“Ano?”

“Juli Baker.”

“Ah. Teka bakit mo nasabi na hinihintay mo ako? Ang weird mo.”

“Kasi nagdasal ako kanina sa simbahan at may hiniling sa Diyos. Kung hindi ako siputin ng ex-boyfriend ko, sana may dumating na kapalit niya.”

“Hindi ako naniniwala sa ganyan. Naniniwala ako sa Diyos pero di ako naniniwala sa paghahanap ng mapapangasawa sa ganyang paraan.” Nakakunot na noo ko.

“Hindi mo naman kailangan maniwala Mr. Sungit. Lahat naman ng mag-asawa ay mayroon pagkakataon kung saan sila unang nagkita di ba? Isipin mo na lang aksidente tayo nagkita. Mas comfortable ka siguro doon.”

“Ang weird niyong mga babae. Iyong ex-girlfriend ko, palatandaan niya daw kung hindi ko daw siya sunduin sa bus terminal, hindi daw ako ang soulmate niya. Tama ba naman yun na magbreak kami dahil lang sa may trabaho ako at di ko siya masundo? Pwede ba baguhin niyo na ugali ninyong umaasa sa mga signs.”

“Mr. Sungit, ayaw kong makipagtalo pero gusto ko lang sabihin sa iyo yung posibleng dahilan ng ex-girlfriend mo. Di mo siya sinundo kaya ibig sabihin hindi siya priority mo. At naisip niya siguro na kung mag-asawa na kayo, mas priority mo trabaho mo kaysa pamilya mo at malamang ayaw niya ng ganun.”

“Miss Congeniality, maaaring tama ka pero ano naman dahilan ng paghingi mo ng sign mo? Gusto mo ng mapapangasawa na makapal ang mukha at kayang humingi ng sundae sa isang hindi kilala para di magutom pamilya mo?” nakangiti kong sabi.

“Mr. Sungit, hindi mo hiningi ang sundae. Binigay ko yan sa iyo.”

“Miss Congeniality, hindi mo pa rin sinasagot tanong ko.”

“Mr. Sungit, bakit ko pa sasagutin kung di ka rin lang naniniwala sa signs?”

“Miss Congeniality, sabihin mo na lang sa akin kung bakit ka naniniwala sa mga signs.”

“Hindi na ako naniniwala sa signs. Kanina naniniwala ako. Pero nung nakita ko na ikaw yung tugon sa signs na hinihiling ko, hindi na ako naniniwala. At ako na lang sana kumain ng sundae.”

“Sige para hindi masama ang loob mo. Palitan ko sundae mo.”

“Thank you na lang. Paalis na ako. Goodbye Mr. Sungit.”

“Bukas ko papalitan sundae mo Miss Congeniality. Ganito ring oras dito rin sa Jollibee.”

“Hindi kita sisiputin.”

“Hindi importe kung sisipot ka o hindi. Hintayin ko na lang kung sino ang makikitabi sa akin.”

“Wala kang originality. Goodbye.”

“As if ikaw ang may original idea ng sign mo. Plagiarism ginagawa mo!”

“Who cares? See you tomorrow.”

“Akala ko ba di mo ako sisiputin?”

“Pinapaasa lang kita.”

“Salamat sa sundae. Goodbye.”


Si Juli ang iniisip ko sa bus at bago ako matulog. Hindi ako nagandahan sa kanya nung una ko siya nakita pero noong ngumiti na siya, nasabi ko sa sarili ko na maraming maiinggit sa aking lalaki kapag kasama ko siya. Isa pa, napakabait niya. Kahit suplado na ako na nakikipag-usap sa kanya, malumanay at nakangiti pa rin siyang nakikipag-usap sa akin. Natulog ako na punong-puno ng pag-asang makikita ko ulit siya bukas.

Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa Jollibee at nag-order ng dalawang pie, dalawang fries at dalawang sundae. Hindi pa gaano katagalan ang pagkakaupo ko, may dalawang babae na agad na nagtanong kung pwede siya makisalo sa mesa. Pero wala sa kanila si Juli. Pumayag na rin ako. Iniisip ko na matatapos na rin sila kumain bago siya dumating kasi maaga pa naman.

Habang kumakain ang dalawang babae, napaisip ako kung nagkataon lang na ako ang unang nakisalo sa mesa ni Juli kahapon, o baka naman marami nang nauna na nakisalo sa kanya kaysa sa akin. O baka naman matagal na niya ginagawa iyon at di siya sinipot ng kausap niya noong isang araw at paulit ulit lang niyang ginagawa ang pag-hihintay, sa iba ibang ibang lugar. O baka naman trip lang niya ang paghihintay at niloloko lang niya ako tungkol sa mga signs?

Makaraan ng ilang minuto, nakita ko na siya papasok ng Jollibee.

“Akala ko ba di mo ako sisiputin?”Pambungad kong tanung sa kanya.

“At sinong may sabi na sinisipot kita? Every afternoon, dumadaan ako dito para magmeryenda. Pero dahil may utang kang sundae, kakainin ko pa rin iyan kahit tunaw na basta alukin mo muna ako.”

“Hindi yan para sa iyo. Para yan sa soulmate ko.”

“Mr. Sungit, akala ko ba papalitan mo ngaun yung sundae na kinain mo kahapon?”

“Miss Congeniality, akala ko kasi hindi mo ako sisiputin.”

“Mr. Sungit, andito na ako.”

“Ok take your seat.”

“Thank you.”

LETTER NG ISANG NANAY sa DepEd


Dear DepEd,

Grade 6 na po ang anak ko. Gusto ko po malaman kung ga-gradweyt ang anak ko ngayong school year para malaman ko kung magpapatahi na ako ng gown namin ng anak ko para sa graduation. Gusto ko kasi terno kami.

Nalaman ko kasi sa kalaro ko ng tong-its na may Grade 7 na daw dahil sa K-12 kaya nga di ko alam kung mag-aalaga ako ng baboy para may kakatayin sa graduation. Mas tipid po kasi yun kesa bumili ng por kilo.

Sana po masagot niyo agad tong liham ko para masabihan ko yung asawa ko kung uuwi siya sa Marso galing Saudi.

Lubos na gumagalang,
Nanay ni Basyang

Breaking News!!! Mga Congressman Nakidnap!!!


Nakidnap daw ng Abu Sayaff ang lahat ng Congressman natin. Humihingi ng 10 bilyong piso na ransom ang mga bandido!!!

Kung hindi daw maibigay ang ransom sa loob ng 5 araw, bubuhusan daw ng gasolina ang bahay na pinagtaguan sa mga congressman at susunugin ng buhay!!!

Kaya nanawagan po kami sa lahat ng Pilipino na magtulungan po tayo ngayon! Kahit magkano po ang ibigay niyo ay taos puso po naming tatanggapin!

Tulungan po natin ang mga Abu Sayaff na makabili ng maraming gasolina. Alam niyo naman may oil price hike ulit! :))

Joke joke lang po.. :D

Bagong Rule sa Suspension ng Classes Kapag May Bagyo


kulitan sa ofis, usapan kung suspended ba ang classes: bagong rule ng suspension ng classes or work. Di na daw by elem, hs or college. By HEIGHT na daw dahil nakadepende ang survival sa taas ng baha...

So ito ang bagong rule:
Signal #1: walang pasok ang mga 3 ft below.

Signal #2: walang pasok ang mga 5ft below

Signal #3 and up: walang pasok sa lahat ng height level..

Trivia: Bakit marami ang natutulog sa library?


Sagot:
Kung pag-aaralan mo ang history ng library, ito ay originally mga tulugan ng mga Java Man at Politicians noong 30,000 BC. Ang mga shelf ay originally mga double/multi deck beds..

Subalit noong naimbento ng mga mexicano ang mga telenobela noong 29, 834.387 BC, natuto na magpuyat ang mga Java Man at palagi na lang nanonood ng tv..

Tinatamad na rin mag-aral ang mga Java Students at mas gusto na lang pangarapin mapangasawa si Coco Java Martin at maging kasing landi ng mga nasa PBB Java Teens. Resulta nito, natambak na lang mga libro sa mga di ginagamit na multi deck beds.. Hanggang sa mapuno na ng books at tinawag na LIBRARY!

Hanggang ngaun may mga taong mahilig matulog sa library. Naniniwala ang mga scientist at nagtitinda ng turon na sila ay mga reincarnated na Java Men.

Isa na namang kaalaman mula sa inyong paboritong pasyente sa mental! Hanggang sa muli, paalam! :D

Weird Calculus Class


sa calculus class kanina:

"Palitan natin yung x or y.. Kahit ano naman sa dalawa pwede. Pero mas ok kung palitan natin yung x.. Kasi ex naman talaga ang pinapalitan di ba?"

Nyahaha.. :D

Pangarap Maging Kambing???


s: gusto ko lang naman ay magkaroon ng masaya at tahimik na pamilya.

m: pareho kayo ng kambing namin. Ang goal sa buhay ay magparami at magdasal na di katayin agad.

:))

Usapang Ex


usapang kasalan kanina sa office...

Isip namin kung paano magandang presentation ng pix sa gagawing video clips.. Dapat daw kasama sa slides ang pix ng EX-GF at EX-BF ng couple..

Sabi namin, "kung kayo mam C ang gagawan ng ganun, malamang 3 hours yung presentation sa dami ng EX niyo!"

:))

Kakaibang News Headline


Headline Balita!

Tatlong senior citizen..wanted sa pambubugbog ng sampung pulis sa gay bar!

Sardinas at ulo, nagkatagpo matapos ang tatlong taong pagkakahiwalay... Tanging hiling na lang ay makita ang kanyang buntot!

Mayor binatikos sa pagTWEET ng maling labas sa jueteng. Mga kubrador, nagrally sa harap ng munisipyo!

Abangan ang detalye ng maiinit na balita mamaya pag lumamig na!

:D

Kalokohan Noong Teacher's Day


s: happy teacher's day!

m: i'm not a teacher...

s: e ano ka?

m: a multi-cellular organism who goes to school and scratches green painted woods using very soft white rocks and receives money every 10th and 23rd day of the month...

s: in short, teacher!

m: please wag mo naman emphasize na short ako!

s: mauubos na lahat ng adjective pag tinanggal ko pa yung short. Tinanggal ko na nga yung 'retarded' at 'bolero' eh..

(nakakainspire talaga words of wisdom ng mga kaibigan, :D )

Havablesseday! :D