Monday, February 27, 2012

Death of the Highly Opinionated Scissors

Barbero: may gulo daw sa Hacienda Luisita kanina.

Gunting: pakialam ko?

Barbero: sana masubukan mong maging panabas ng tubo..

Gunting: ano konek?

Barbero: puro buhok lang kasi pinuputol mo kaya di mo alam ang hirap ng pumutol ng mga tubo..

Gunting: utak barbero ka kasi. Alam mo ba na MAS PRODUCTIVE ang Hacienda Luisita kung HINDI IPAMIMIGAY ang lupain sa mga magsasaka? Kung magsasarili bawat magsasaka, mas mahirap i-manage at di pa sigurado na magagamit ang lupa sa kapakipakinabang na paraan..kuha mo?

Barbero: maganda ang nasabi mo. Pero bakit ang mga Aquino-Cojuangco pa rin ang MAYAMAN at HIRAP pa rin ang mga MAGSASAKA? Ibig sabihin lang na HINDI NAKIKINABANG ang mga MAGSASAKA sa KITA ng mga lupain bilang Hacienda Luisita.

Gunting: baka naman nalulugi na ang hacienda?

Barbero: kung nalulugi nga, babanggain mo ba ang Supreme Court para lang mabaliktad ng desisyon nila na ipamigay ang hacienda?

Gunting: tingin mo Hacienda Luisita talaga dahilan bakit mainit tumbong ni Noynoy kay Corona?

Barbero: di ako sigurado..posibleng hindi..posibleng yun nga dahilan.

Gunting: kung ikaw si Noynoy, sino tutulungan mo? Magsasaka o mga kamag-anak mo?

Barbero: depende sa utos ng matatandang Cojuangco-Aquino.. wala naman ako alam diyan at mas lalo ako pakialam..magpa-cute na lang ako sa media para mataas ratings ko at para maging crush din ako ni Grace Lee!

Gunting: pathetic..(nagsuicide ang gunting)

Sad story.. Sa gunting ng barbero, sana masaya ka kung saan ka man naroroon.. :(

No comments:

Post a Comment