Thursday, December 1, 2011

Top Reasons Why We Need to Abolish the Education System in The Philippines

If you have an IQ equal to doorknobs’ IQ, this a satire, ok?

REASON 1: PWEDE BUMILI NG DIPLOMA SA RECTO

Dalawa lang naman main purpose bakit may diploma. Una, para magamit sa paghahanap ng trabaho at para may maidisplay mga magulang mo sa dingding niyo.

So kailangan mo ng trabaho? Punta lang sa Recto at wala pang 24 hours may diploma ka na! Pwede ka na mag-apply sa trabahong pinapangarap mo!
Madami na nakapag-abroad dahil sa mga pekeng dokumento galing sa Recto. So wag na magpahuli!

REASON 2: WALANG SILBI ANG MATH SA LAWYER  AT PANG-BILYAR LANG NAMAN ANG GEOMETRY SABI NI FRANCIS CHIZ ESCUDERO NOONG 2006

O di ba? Ang idol niyong si Chiz eh di naman nagamit ang Algebra, Trigonometry at Calculus sa pagiging abugado at feeling great politician niya! So bakit mag-aral ng math eh kailangan mo lang naman i-empress mga Pilipino sa pagsasalita ng tagalog. Nevermind kung contradicting o redundant mga sinasabi mo kasi di naman nila yun mapapasin. Kung mapansin man nila, san sila magrereklamo?

So kung gusto mong maging sikat na politician, laway lang puhunan mo. Magdasal ka lang na walang mandaraya sayo sa posiyentuhan sa mga kickback sa mga proyekto ng gobyerno, at magpanggap na lang na masakit ang ulo kung may magpresent sa iyo ng mga economic reports or proposals  na may numbers na tungkol sa ekomiya na nakabase sa mathematical computations. ;)

Tsaka bakit pa mag-aaral ng History eh nakaraan na nga. Dapat na mag-move on na sa past!

Bakit mag-aaral ng Chemistry? Toyo patis at suka lang naman paghahaluin mo pag kakain ka. Bakit kelangan mo bang alamin kung acid o base ang ang pagkain para mabusog ka? Basta may pagkain ka sa harap mo, mabubuhay ka na!

Bakit pa may Values Education? Eh yung mga pulitiko nga natin sila mismo nanloloko sa atin! Sila ang mas may kailangan nun hindi ang mga ordinaryong Pinoy! Kung minsan nga mga nagtuturo mismo walang values. :p

Bakit pa mag-aaral ng Science eh mamamatay din lang naman tayong lahat. Pag abo na tayo, wala na bearing kung ano man grade mo sa mga subjects mo.

Bakit pa merong PE? Pagod ka na nga kakalakad sa buong campus, pagtetext, facebook, pag copy-paste ng project sa internet at pangongopya ng assignments tapos papagurin ka pa pagtakbo takbo sa basketbol court? Makatao ba yun?!!

Buti pa yung ROTC may silbi. Nakakapraktis ka kumanta kapag late ka dumating. Sing and dance pa ipapagawa sa iyo depende sa topak ni Officer. Siyempre tuwang tuwa ka naman kasi yun naman pangarap mo sa buhay mo, ang makapagperform sa harap ng mga tao!

REASON 3: KAWAWA ANG MGA BUSINESSMEN AT MEDIA PAG MATALINO NA ANG MGA PINOY

Imagine mo na lang kung lalawak ang pang-unawa ng mga Pinoy sa pagdedesisyon. Di na sila basta basta maloloko ng mga advertisement sa TV. Mahihirapan sila magbenta ng mga walang kwentang produkto nila. So paano na sila makakabakasyon sa Boracay?

Paano na ang pagbili nila ng mga malalawak na bukirin na papatayuan nila ng mga mansiyon nila kapag na-realize ng mga Pinoy na mas mabisa pa rin ang ampalaya, malunggay, atbp. sa palengke kesa sa mga gulay na nasa loob ng kapsula?

Paano na ang mga electric bills, water bills, phone bills, allowance ng mga anak, allowance ng mga anak sa labas, panggastos ng pamilya, panggastos ng pamilya sa kabit, atbp., kung marealize ng mga Pinoy na di naman ibig sabihin na pag mas mahal eh mas matibay, mas mahal mas maganda, na pag mas mura mas lowtech...

Kawawa din ang media kapag matalino ang mga Pinoy kasi marerealize nila na nakakabobo na mga telenobela at ibang palabas sa local tv. Babawalan na rin nila mga anak nila manood ng tv kasi puro lang naman katarantaduhan natutunan nila sa local tv. Kawawa din ang mga reporter kasi mawawalan na sila ng credibilidad pag malaman nila na madali lang pala balubaluktutin mga impormasyon para maging pabor sa sino mang gustong magbayad.

(NEXT TIME NA YUNG IBA, TULUGAN NA EH.. hahahaha)

No comments:

Post a Comment