Friday, December 2, 2011

TOP 10 Reasons Bakit Di Na Kailangang Mag-aral!!! (Version 2.00)


(Kung pareho lang kayo ng IQ ng doorknob, wag mo na basahin. Di mo rin lang magets na kalokohan to at katuwaan lang. Kung narinig niyo na yung salitang joke, parang ganun ito lol. Kung may pagkakapareho man sa totoong buhay, baka dun nga nanggaling yung kwento. Hahahaha..)


REASON 1: PWEDE BUMILI NG DIPLOMA SA RECTO

Dalawa lang naman main purpose bakit may diploma. Una, para magamit sa paghahanap ng trabaho at para may mai-display mga magulang mo sa dingding niyo.

So kailangan mo ng trabaho? Punta lang sa Recto at wala pang 24 hours may diploma ka na! Pwede ka na mag-apply sa trabahong pinapangarap mo! Madami na nakapag-abroad dahil sa mga pekeng dokumento galing sa Recto. So wag na magpahuli!

REASON 2: WALANG SILBI ANG MATH SA LAWYER  AT PANG-BILYAR LANG NAMAN ANG GEOMETRY SABI NI FRANCIS CHIZ ESCUDERO NOONG 2006

O di ba? Ang idol niyong si Chiz eh di naman nagamit ang Algebra, Trigonometry at Calculus sa pagiging abugado at politician niya!

So bakit mag-aral ng math eh kailangan mo lang naman i-impress mga Pilipino sa pagsasalita ng tagalog. Nevermind kung contradicting o redundant mga sinasabi mo kasi di naman nila yun mapapasin. Kung mapansin man nila, san sila magrereklamo?

Tsaka, kung gusto ng batang nag-aaral ng elementarya/high school matuto ng Algebra Trigonometry at Calculus, bahala siya sa buhay niya, magdesisyon na siya para sa kanyang sarili. Matanda na siya para malaman if gusto niya mag-engineer o kumuha ng kursong madaming math.

So kung gusto mong maging sikat na politician, laway lang puhunan mo. Magdasal ka lang na walang mandaraya sayo sa posiyentuhan sa mga kickback sa mga proyekto ng gobyerno, at magpanggap na lang na masakit ang ulo kung may magpresent sa iyo ng mga economic reports or proposals  na may numbers na tungkol sa ekomiya na nakabase sa mathematical computations. ;)

Tsaka bakit pa mag-aaral ng History eh nakaraan na nga. Dapat na mag-move on na sa past!

Bakit mag-aaral ng Chemistry? Toyo patis at suka lang naman paghahaluin mo pag kakain ka. Bakit kelangan mo bang alamin kung acid o base ang ang pagkain para mabusog ka? Basta may pagkain ka sa harap mo, mabubuhay ka na!

Bakit pa may Values Education? Eh yung mga pulitiko nga natin sila mismo nanloloko sa atin! Sila ang mas may kailangan nun hindi ang mga ordinaryong Pinoy! Kung minsan nga mga nagtuturo mismo walang values. :p

Bakit pa mag-aaral ng Science eh mamamatay din lang naman tayong lahat. So wag na pag-aralan mga living at non-living things kasi darating ang panahon na magiging non-living things na rin lang lahat. Kapag abo na tayo, wala na bearing kung ano man grade mo sa mga subjects mo.

Bakit pa merong PE? Pagod ka na nga kakalakad sa buong campus, pagtetext, facebook, pag copy-paste ng project sa internet at pangongopya ng assignments tapos papagurin ka pa pagtakbo takbo sa basketbol court? Makatao ba yun?!!

Buti pa yung ROTC may silbi. Nakakapraktis ka kumanta kapag late ka dumating. Sing and dance pa ipapagawa sa iyo depende sa topak ni Officer. Siyempre tuwang tuwa ka naman kasi yun naman pangarap mo sa buhay mo, ang makapagperform sa harap ng mga tao! Stepping stone para sa Talentadong Pinoy at Pilipinas Got Untalented Judge.

REASON 3: KAWAWA ANG MGA BUSINESSMEN AT MEDIA PAG MATALINO NA ANG MGA PINOY

Imagine mo na lang kung lalawak ang pang-unawa ng mga Pinoy sa pagdedesisyon. Di na sila basta basta maloloko ng mga advertisement sa TV. Mahihirapan sila magbenta ng mga walang kwentang produkto nila. So paano na sila makakabakasyon sa Boracay?

Paano na ang pagbili nila ng mga malalawak na bukirin na papatayuan nila ng mga mansiyon nila kapag na-realize ng mga Pinoy na mas mabisa pa rin ang ampalaya, malunggay, atbp. sa palengke kesa sa mga pinatuyo at giniling na gulay na nasa loob ng kapsula?

Kawawa si businessman. Paano na ang mga electric bills, water bills, phone bills, allowance ng mga anak, allowance ng mga anak sa labas, panggastos ng pamilya, panggastos ng pamilya sa kabit , atbp., kung marealize ng mga Pinoy na di naman ibig sabihin na pag mas mahal eh mas matibay, mas mahal mas maganda, na pag mas mura mas lowtech...

Kawawa din ang media kapag matalino ang mga Pinoy kasi marerealize nila na nakakabobo na mga telenobela at ibang palabas sa local tv. Babawalan na rin nila mga anak nila manood ng tv kasi puro lang naman katarantaduhan natutunan nila sa local tv.

Kawawa din ang mga reporter kasi mawawalan na sila ng kredibilidad pag malaman nila na madali lang pala balubaluktutin ang mga impormasyon para maging pabor sa sino mang gustong magbayad.


REASON 4: DI NAMAN KAILANGAN MAG-ARAL PARA UMASENSO SA BUHAY
Sa tingin mo, lahat ba ng nakapagtapos ng pag-aaral eh maganda ang trabaho at malaki ang sweldo?

Pwede ka naman tumaya sa lotto. Pag manalo ka, di mo na kailangan magtrabaho!

Pwede ka naman magshowbiz. Natural naman sa mga Pilipino ang mag-acting . Konting praktis lang sa harap ng salamin at ilang kanta lang sa videoke pwede na! Di naman kailangan na sobrang galing ka para makapasok sa showbiz. Nood ka ng ASAP at SOP tuwing linggo at pakinggan mga mag-labtim na kumakanta. Mas maganda pa pagkanta ng kabitbahay niyong kinaiinisan mo kasi ang lakas pag magvideoke sila.

Kung pangit ka naman, pwede ka magpabatok batok at magpainsulto. Instant komedyante ka na!

Kung guwapo at maganda ka, magpa-cute ka lang pwede na! Wag mo na isipin acting mo. Mukha lang naman tinitingnan ng mga Pinoy. Basta guwapo at maganda, pwede na kahit gasgas na rin ang kwento ng pelikula o telenobela.

Kung anak ka ng sikat na tao, mas madali naman ang pagsikat mo!

Kahit di ka nakapag-aral, pwede ka rin magbusiness. Madali lang suhulan ang mga nasa gobyerno para makakuha ng kung anu-anung permit kahit di ka mag-comply sa mga requirements.

Kung medyo walang koneksiyon o padrino, mag-squat ka sa lupa ng gobyerno. Magpatayo ng bahay na maraming kwarto. Iparenta ang mga bakanteng kwarto para may income ka. Kung papaalisin na kayo sa lupa kung saan kayo illegal na nakatira, pwede kayo humingi ng relocation ayon sa batas. Tapos ibenta mo ang lupa at bahay na ibibigay sayo at mag-squat ulit sa bakanteng lupa ng gobyerno.
Kung wala talaga swerte, mamalimos ka na lang. Hanap ka lang ng lugar na daanan ng tao, maglagay  ng lata sa harap mo, at maghintay na bumuhos ang pera. Pag medyo may asenso na ng konti, pwede ka na mag-hire ng tagapalimos at magpatayo ng branch sa lahat ng sulok ng siyudad.


REASON 5: DI NAMAN IBIG SABIHIN NA KAPAG MATAAS GRADE MO, MAGALING KA NA

Sa quiz, kapag ba mas mataas ang nakuha ni Pedro kaysa kay Juan, ibig bang sabihin na mas matalino at mas magaling na si Pedro kesa kay Juan? Di ba pwedeng nangopya muna o may kodigo o tsamba lang sa multiple choice at true or false?

Kapag ba sa UP, Ateneo, La Salle o Andres Bukid Elementary School na nagtapos mas magaling na siya kesa sa mga nagtapos ng STI, AMA, Pacman University (PAC-U), Harvard o Yale?

Di naman reliable yang mga grades na binibigay ng mga teacher. Porke ba di mo alam mga gusto niyang malaman mo, bobo ka na? Di ba pwedeng mas gusto mo lang piliin mga maling sagot? Di ba pwedeng mali naman piliin? Kasi nakakasawa na piliin mga tama. Tutal, mas ‘in’ naman ngayon mga mali. Mas pasaway ka, mas sikat ka sa barkada! Tingnan mo ngayon kung sino mga sikat, mga may kaso at criminal!
Tsaka mababasa mo naman sa internet mga tinuturo ngayon sa mga paaralan. So what’s the point na pumasok pa ng school?


REASON 6: LAHAT NAMAN PUMAPASA SA ELEMENTARY AT HIGH SCHOOL BASTA REGULAR KA LANG NA PUMASOK AT WAG GUMAWA NG KATARANTADUHAN

Pansinin mo, sa quiz or exam niyo noong elementary at high school, kahit 1 out of 50, o kahit bokya man score, pasado pa rin!

So bakit pa papapasukin ang mga bata kung papasa din lang naman sila kahit may matutunan/malaman man sila o wala? Gastos lang sa uniporme, books, raket na film showing ni teacher, panindang pulburon ni teacher, at projects na halaman at parol tuwing pasko.

Madali ka rin lang makatuntong sa college kasi matrabaho magbagsak ng istudyante sa sa high school. Kailangan mo i-justify bakit siya bagsak. So para wala na paliwanagan, ipasa na lang. Pagdating mo naman ng college, pumili ka lang ng business oriented na school. Kasi wala naman sila pakialam kung may matutunan man students nila. Importante, malaki population ng school para mas madami kita sa tuition. Pag marami kayong binagsak ng Propesor, isumbong mo sa may-ari ng school at sabihin na di marunong magturo ang Prof. Papagalitan ang Prof at kung suswertehin, papalitan ng pasado ang grade niyo. Malas mo na lang kung magresign si Prof kasi di niya masikmura pamamalakad ng school admin.

REASON 7: DI NAMAN TAYO AMERIKANO, HAPON, O TAGA EUROPA PARA MAG-ARAL NG MGA MATATAAS NA URI NG ARALIN

Wala rin lang naman tayong sapat na pasilidad para magamit ang mga latest na discoveries sa sciences at technology so bakit pa pag-aaralan?

Tsaka kuntento na tayo sa mga scrap machines galing sa Japan at Korea. Konting repair lang, pintura at washing pwedeng na ipasada! Bahala na ibang bansa mag-imbento ng kung anu-ano. Umasa na lang tayo sa mga basura nila. Tutal, high-tech naman mga yun dati. Magastos at walang kasiguruhan kung magresearch. Nakakapagod pa sa utak. Kawawa lang mga scientists natin.

REASON 8: MAHIRAP MANGAMPANYA TUWING ELEKSIYON PAG MATATALINO O NAG-IISIP ANG MGA BOTANTE

Imagine na lang ang hirap na daranasin ng mga pulitiko natin tuwing eleksiyon pag nag-iisip na ang mga botante! Di na sila madadaan sa pasayaw sayaw at pagkanta kanta ng mga kandidato. Maghahanap na ang mga botante ng mga plataporma at magtatanong na kung paano maipapatupad ang mga plataporma. Hindi yung pangako ng kung anu-ano pero puro naman suntok sa buwan. Yung tipong kailangan mo superpowers nina Son Goku, Naruto, Gundam Wings, Panday, Barney at Teletubies para lang maipatupad ang mga pangako.

Marerealize na rin ng mga tao na ang mga pulitiko ay ‘public servant’ at di ‘public master’. So mahirap na mang-uto at manggamit ng mga tao para sa pansariling kapakanan ng ating mga napakasipag at napaka-productive na pulitiko.

REASON 9: PWEDENG SOURCE OF ENTERTAINMENT ANG KABOBOHAN

Ang boring kaya ng buhay pag matalino lahat ng tao.

Pag kambing ka at may narinig ka na nagsabi ng “may nakita akong kambing na 3 ang paa”, wag ka magalit kasi di naman ibig sabihin nun na lahat ng kambing ay 3 lang ang paa!

Pag kamukha mo si Angel Locsin at may nakita kang pangit na sinabihan na kamukha siya ni Angel Locsin, wag ka mainsulto kasi di naman niya sinabi na pangit ka. Malamang nambobola lang yun o sumisipsip para sa promotion!

Ito true-to-lie story sa bario namin. Si Boy Tutpik sinabihan si Manang Paa na mukha daw siyang sapatos. Nakarating kay Aling Sapatos ang kwento at nainsulto kasi ikinumpara daw siya kay Manang Paa. Kaya dun nagsimula ang away.  Pero kung iisipin mo, sinabi ni Boy Tutpik na si Manang Paa ay Mukhang Sapatos. Si naman niya sinabi na Si Aling Sapatos ay mukhang paa. Magkaiba yun! Kaya ngayon, pag nagbabangayan sila, andami nilang napapasayang kalyo, kuto at at buhok sa kilikili.

Speaking of bangayan, nakakatuwa din ang ginagawang kabobohan ng media. May interview sila kay Senador Baliw  at may nasabi siya na tungkol sa anak ni Nanay Panget. Interview din nila si Nanay Panget para patas daw. Tapos magiging headline na, SENADOR BALIW AT NANAY PANGIT, NAGBANGAYAN! Di ba media tagabalita lang? Bakit parang sila na nagdidikta ng takbo ng balita? Kasi magbabangayan ba sila kung di sila na-interview? Buti sana nakita o nadatnan na nila sila na nagbabangayan. Eh hindi eh. Ganun pa man, napasaya nila ang manonood. Wag na isipin ang serbisyo publiko o responsible journalism. Mas importante ang RATINGS para mataas ang kita!

REASON 10: DI NA MAIISIP NG READERS NA PAMPAHABA LANG TONG HULING REASON

So TOP 9 Reasons na lang kung gusto tanggalin tong REASON 10. Di na consistent sa title ng article. Lol

(NEXT WEEK NA LANG YUNG TOP 10 REASONS KUNG BAKIT NAMAN NATIN KAILANGAN MAG-ARAL)

Privilege speech sa kongreso ng idol mong si Chiz noong July 25-26, 2006:
Mr. Speaker, ang isang dahilan kung bakit kada taon marami tayong classrooms na kinakailangan ay dahil napakaraming nasisira sa kakulangan ng supisyenteng pondo para i-maintain at i-repair lang sana ang mga classrooms na ito.
Secondly, Mr. Speaker, we should and we propose that the curriculum be restudied. Mr. Speaker, I know that this will generate a lot of debate but I hope that our colleagues will listen for awhile. Sa ngayon, umaabot sa nine to eleven ang subjects ng ating mga estudyante sa elementary at high school. Nakukuba na ang ating mga estudyante sa kakabitbit ng napakaraming libro. Subalit ang tanong ko ho: Ito ba ay angkop pa rin sa pangangailangan ng ating bansa sa ngayon? Ang kanila po bang pinag-aralan ay nagagamit nila sa kanilang buhay sa labas ng paaralan at magagamit kapagka sila ay naghanap ng trabaho?
I can only cite myself as an example, Mr. Speaker, but mula po nung natapos ako nung high school hindi ko pa nagamit ang Calculus, hindi ko pa ho nagamit and Trigonometry, hindi ko pa ho nagamit and Algebra, iyung Geometry, sa bilyar ko lang nagamit. At iyong mga ibang itinuturo ay marapat sigurong ituro sa kolehiyo kung nais maging inhinyero ng isang bata. Iyong mga ibang itinuturo, marapat sigurong ibigay na lamang nating sa kanila sa kolehiyo o bilang elective pagdating ng high school.

3 comments:

  1. Asan na ung top 10 reasons bakit kailangan mag-aral?

    ReplyDelete
  2. Buti nalang ayoko ng mag aral ngayon kasi tapos nako hehehe

    ReplyDelete